Paano po kung naalis ang condom during intercourse?

anonymous
This person has chosen to hide his/her identity. Medical History

Mga Dok! Nagwoworry lang po kasi ako. Nag-intercourse po during fertile window. Nagkacondom po ang partner ko. Nung una parang tumataas po yung condom niya so binaba lang namin. Tapos nung magchange position po sana, bigla nalang wala yung condom. Hindi naman po naiwan ng buo yung condom sa loob ng ari ko. Nakalawit pa naman kaya nahila pa po. Tanong ko lang po, gaano po kalaki ang possibility na may nakapasok na sperm or precum? Hindi pa naman po nag ejaculate yung partner ko that time. Thank you po sa sagot. 

The medical information contained in this section is not intended for treatment or prescription. It is used to complement, not replace, the communication between a patient and their physician. Reliance on any information provided by BuhayOFW or any medical experts is solely at your own risk. If you have a medical emergency, call your doctor or go to the hospital immediately.

 

 

Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)
Dolly April Plaza
is a Nurse in the Philippines
Tandaan na upang maging epektibo ang condom ay dapat tama ang paggamit nito. Tama ang ang paglagay upang hindi ito nahihila or natatanggal. Ang precum or preejaculation period ay nagdudulot ng pagbubuntis sa kadahilanan na mayroong ng lumabas na sperm na nauna bago pa man tuluyang labasan ang iyong partner. May posibilidad na maging risky ang nangyari sa inyo at magdulot ng pagbubuntis ngunit maaari rin na hindi. Mas mabuti magsagawa ng pregnancy test 2-3 weeks matapos ang huling pagtatalik. Sa mga susunod na talik, siguraduhin na tama ang paglagay o paggamit ng condom. or di kaya, kung negatibo ang pregnancy test, mas mabuting gumamit ka ng kontraseptibo na pwede sa iyo. lumapit sa pinakamalapit na health center o clinic upang personal na humingi ng payo sa mga kontraseptibo na pwede sa iyo.
anonymous
This person has chosen to hide his/her identity. Medical History
Thank you po Nurse Dolly! Tanong ko din po, ano po kaya ibig sabihin ng madulas at may halong puti-puti na discharge? Medyo malapit sa egg white pero hindi clear to at hindi ganun ka stretchy.