Paano po kung verbal na ipinamana ng aming lolo ang kanyang mga alahas sa kanyang apo sa tuhod, at ngayon po ay naghahabol ang kaniyang kapatid at hipag sa amin?

anonymous
This person has chosen to hide his/her identity.

Mula nang magretiro po ang aming lolo, ay sa amin na po ito nanirahan. Ang amin pong ama (na naunang namayapa) ang isa sa mga dahilan niya kung bakit nagdesisyon na umuwi na ng Pilipinas dahil sa matinding kalungkutan. Siya po ay kapatid ng ama ng aming tatay. Wala po siyang sariling pamilya. Itinuring po niyang sariling anak ang aming tatay mula sa pagkabata niya. Siya rin po ang tumulong para makapagtapos kami ng aking mga kapatid. Beneficiary po niya ang aming tatay sa kanyang insurance sa America. Ito po ay mismong kinumpirma ng aming tatay noong siya ay nabubuhay pa at ganoon na rin ng aming lolo, at mga kasamahan niya sa trabaho.  Matagal na pong may hindi pagkakaunawaan ang aming lolo at ang nagiisa nitong nabubuhay na kapatid. Pero nagawa po namin silang magkausap ulit at bonding pero hindi pa rin po totally "in good terms" dahil may nasasabi pa rin ang aming lolo sa amin tungkol sa kapatid niya na hindi niya nagugustuhan. Once po ay bumisita kami sa probinsya ng kapatid ni lolo, naroon po ang kanyang kapatid, mga pamangkin (kapatid po ng aming tatay), at hipag (asawa po ng kapatid ni lolo). Maliwanag pong sinabi ni lolo na kahit na wala na ang aming ama ay sa amin siya maninirahan, at kung sino man ang naiwan ng aming ama, ay doon siya. Hindi po lingid sa kaalaman ng lahat na paborito ni lolo ang aming tatay simula sanggol pa ito. Bago po namayapa si lolo, sinabi po niya sa amin na ang kanyang mga alahas ay sa kanyang apo sa tuhod. Paulit ulit po niyang sinasabi sa amin ito. Ngayon po ay ito ang aming malaking problema dahil sa naghahabol po ang kanyang kapatid at hipag (na nagpaaral kay lolo). Ano po ang inyong maipapayo sa amin? Tatanawin ko pong malaking utang na loob ang inyong pagtugon sa aking sulat. Maraming salamat po! More power po and God bless!

 

This post has been closed for comments and replies. To ask a related or new question, please post a new question below.
Jescelyn Del Rosario
is a Legal expert in the Philippines
Hindi po kasi accepted ang verbal lang to prove na kayo talaga ang pinamanahan po nito. Dapat sana may Last will na ginawa so in this kayong lahat na mga heirs ay may corresponding share po sa naiwang mga alahas. Kailangan mag usap nalang po kayong lahat kung paano gagawin ibenta ba ang mga alahas at magkano ang magiging share po ninyo nito. They might consider your share na lakihan dahil kayo ang nag alaga but nakadepende na po sa kanila yan.
Recommend Report abuse
anonymous
This person has chosen to hide his/her identity.
Magandang umaga po. Maraming salamat po sa inyong pagtugon. May isa pa po akong katanungan. May 2 linggo na po ang nakaraan, nang ang kapatid ng aking namayapang lolo ay bumisita dito sa aming tahanan. Siya po ay aming pinatuloy nang maayos (wala po kaming problema noon sa kapatid ni lolo, katunayan po ay madalas kaming dumalaw sa kanila noong nabubuhay pa ang aming tatay). Paglabas na paglabas ng aking ina sa banyo, galit na galit niya pong sinalubong ang aking ina. Ilang beses po niyang sinabi sa aking ina na "hinaharass ng aking kapatid (nanay po ng apo ni lolo na pinapamanahan niya ng mga alahas). Hinaharass daw po ng kapatid ko at nang pamangkin kong 10 years old pa lamang si lolo para sa ipamana sa kanya ang mga alahas. Walang pong katotohanan ang mga bintang niya. Siya po raw dapat ang makinabang sa mga naiwan ng kapatid niya. At wala kaming karapatan. Nagbanta pa po ito na babalik sa ika 1 taon pa mismo ng kamatayan ng aming lolo at magsasama siya ng abogado at sinabi pa nito sa aming ina na mayroon siyang "witness". Wala po kaming idea, kung anong witness at para saaan ang witness. Nakakalungkot po ang mga nangyayari. At kami po ay nababahala sa pagbalik po ng kapatid ni lolo, dahil sa pangyayari na iyon po. Aming pong naiisip na sa barangay po kami mag-usap usap oras na bumalik po ang kapatid ni lolo. Ano po ang inyong maipapayo? Alam po namin na "false accusation" yun mga naging paratang ng kapatid ni lolo sa aking kapatid at anak nito. Napakasakit po para sa amin dahil wala po kaming naging problema sa kapatid ni lolo or anuman na ginawang masama. Maayos ang aming pakikisama sa kanya simula't simula at naging tulay para silang dalawa ay magkaayos muli. Ako po ay humihingi ng payo, dahil malapit na ang ika-1 taon ng kamatayan ni lolo, kung kailan babalik ang kapatid nito sa aming tahanan. Ayaw na po namin maulit ang nangyari nang una itong bumisita sa amin. Maraming maraming salamat po! Mabuhay po kayo!
Recommend Report abuse

About the author

Jescelyn Del Rosario

Legal Services and Litigation works Philippine/Foreign Paralegal Works Graduated AB Political Science and Bachelor of Laws at University of San Jose Recoletos-Cebu Completed Lawyers Trial Academy Training sponsored by IBP Cebu Chapter AIT-DOST Scholar at Cebu Institute of Technology
Profession: Lawyer
MJ Del Rosario Law Office and Associates
Office Address: Block 19, lot 26-27, Deca Homes, Talisay
Philippines , Talisay , Cebu
The medical information contained in this section is not intended for treatment or prescription. It is used to complement, not replace, the communication between a patient and their physician. Reliance on any information provided by BuhayOFW or any medical experts is solely at your own risk. If you have a medical emergency, call your doctor or go to the hospital immediately. BuhayOFW's Medical Review Board is a team of board-certified doctors who ensure our content is medically accurate and reflects the latest in health information. Our experienced board of medical professionals verify that our content is thorough and all-inclusive, in order that you can trust the information you read here will help you through improvements in your health journey—whether that’s for yourself or for a loved one.

Disclaimer: The materials available in the Buhay OFW web site are for informational purposes and not for the purpose of providing legal advice. You should contact your attorney to obtain advice with respect to any particular issue or problem. Use of and access to this Web site or any of the e-mail links contained within the site do not create an attorney-client relationship between Buhay OFW and the user or browser.

If you are a legal expert who would like to help answer questions, please register here.