Paano po mag claim ng rights?

Gerry Olaso
is a Business in the Philippines

Ako po ay may asawa, isang teacher. wala pa po kaming anak, until now, pero may anak na siya sa pagkadalaga isang babae. Ayaw po ng mama niya at tita niya sa akin noon , napilitan nalang silang tangapin kami dahil nagpakasal po kami sa huwes,
  Ang poblema po,,  Nagtayo po kami ng Bahay namin concrete sa isang lote na pagmamay ari pa ng limang magkakapatid na LOLO niya,  at paghahatian pa nila yon sa lima. ang isang LOLO doon ay asawa ng Lola(Lola Elsa) ng asawa ko.  Ang lola(Elsa) ng asawa ko ay may 6 na anak at isa doon c Vicky(not real name) na  nanay ng asawa ko(Jenny) at may kapatid paxa c Glenn, at Amie, so bale tatlo silang anak ni Vicky.
    Ang tanong ko po atty, nagtataka po ako bakit silasila  lang po ang nag uusap usap tungkol sa lupang tinatayuan ng bahay namin? hindi man lang ako sinasama sa miting nila.  ang sabi ko sa asawa ko  sana ay bayaran namin ang lupa at ilipat sa pangalan namin dahil tutal pinayagan naman kami magtayo ng bahay doon with the consent of her Lola Elsa. sinabi ng asawa ko sakin na gagawan nalang daw ng Deed of sale ang lupa,( pero walang perang involve doon)  at ipapangalan daw sa name ng anak (minor pa) ng asawa ko na Illegitimate child na. Hindi daw ipapangalan sa amin ng  asawa ko yung lupa. Alam ko atty matagal na nilang sinusulsulan ang asawa ko na iwanan ako, o hiwalayan ako dahil ang mindset nila kaya ko daw pinakasalan ang asawa ko ay pera lang daw ang habol ko at gusto nila pati ari arian hindi daw ako pwede makinabang kahit konti. mabuti naman akong husband sa asawa ko, pinagtutulungan po nila ako atty. Pwede ba akong  mag reklamo atty? Nawala naba ang karapatan ko as husband? natatakot ako atty na ang asawa ko madali lang masulsulan ng mama vicky niya at Lola niya at mga pinsan niya. Baka balang araw po ay pagtulungan nila ako at patalsikin sa bahay dahil hindi ito nakapangalan sa amin ng asawa ko na talagang yun ang sadya ng asawa. Ntatakot po ako na kapag akoy tumanda na at yung anak ng asawa ko ay nag asawa na din at doon tumira sa bahay at sipain ako dahil matanda. at wala ana akong karapatan tumira doon. Atty. payuhan nyo po ako kung anong karapatan ko sa bahay at lupa,, ang bahay po namin ay conjugal po na pinatayo namin. natatakot ako na baka akoy hiwalayan ng asawa ko at sulsolan nila ang anak niya na palayasin ako. Mapaplayas ba nila ako doon kung sakaling magkampihan intong asawa ko, nanay niya at Lola niya at kamaganakan nila doon?Tila brain wash na nila ang asawa ko at inaaway na ako ng walang dahilan. Naawa ako sa sarili ko kasi wala na akong magulang at kapatid , at wala pa kaming anak ng asawa ko, di ko po alam kung saan ako pupunta pag nangyari ang kinatatakutan ko. sana masagot nyo po ako  salamat po atty.

 

Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)
Jescelyn Del Rosario
is a Legal expert in the Philippines
Unang-unang dapat siguro pag usapang ninyo itong magkakamag anak ang inyong situation diyan. Since nakatayo na ang bahay ninyo sa nasabing lupain convince your wife nalang po na magpagawa kayo ng written document to prove na nabili or naidonate ang nasabing lupain sa inyo. Magiging conjugal naman talaga yung property na yan dahil naipundar ninyo ang nasabing lupa at bahay during sa marriage kaya lang may papel kayong pinanghahawakan. Mas mabuti kasing magpagawa na kayo while buhay pa ang lola ng asawa ninyo po. Magiging complicated kasi if siya na po ay mawala na ang daming heirs na kailangang ang magsasign sa document. If sa minor child i donate din ito maaring ang lupa lang ang maidonate nila sa kanya hindi yung bahay kasi kayo ang nagpatayo but mas mabuting sa inyo nalang po maibenta ito at makapangalan after all if kayong mag asawa ay mawala sa kanyang anak naman din ito mapunta.

About the author

Jescelyn Del Rosario

Legal Services and Litigation works Philippine/Foreign Paralegal Works Graduated AB Political Science and Bachelor of Laws at University of San Jose Recoletos-Cebu Completed Lawyers Trial Academy Training sponsored by IBP Cebu Chapter AIT-DOST Scholar at Cebu Institute of Technology
Profession: Lawyer
MJ Del Rosario Law Office and Associates
Office Address: Block 19, lot 26-27, Deca Homes, Talisay
Philippines , Talisay , Cebu
The medical information contained in this section is not intended for treatment or prescription. It is used to complement, not replace, the communication between a patient and their physician. Reliance on any information provided by BuhayOFW or any medical experts is solely at your own risk. If you have a medical emergency, call your doctor or go to the hospital immediately. BuhayOFW's Medical Review Board is a team of board-certified doctors who ensure our content is medically accurate and reflects the latest in health information. Our experienced board of medical professionals verify that our content is thorough and all-inclusive, in order that you can trust the information you read here will help you through improvements in your health journey—whether that’s for yourself or for a loved one.

Disclaimer: The materials available in the Buhay OFW web site are for informational purposes and not for the purpose of providing legal advice. You should contact your attorney to obtain advice with respect to any particular issue or problem. Use of and access to this Web site or any of the e-mail links contained within the site do not create an attorney-client relationship between Buhay OFW and the user or browser.

If you are a legal expert who would like to help answer questions, please register here.