Paano po makakapagpagawa ng original certificate of title ang anak ng nakabili ng bahay?

Liz Punz
is a House wife in the Philippines

Nakabili po ng bahay ang lola ko taong 1997. Ang bahay po ay parte ng duplex na hinati sa dalawa at ito po ay sa isang subdivision. Ang orihinal po na may-ari o nagpagawa ng duplex ay nag loan sa SSS para mabayaran ito. Hindi po napagawan ng orihinal na owner ng original certificate of title ang bahay dahil ibinenta niya na ito at nagtungong amerika.

Kasama po sa kasunduan na ang nakabili ang magtutuloy ng bayad sa SSS, mayroong deed of sale at special power of attorney.

Taon 2016 po ng mamatay ang lola ko na nakapangalan sa deed of sale at spa. Walang iniwan na last will.

Taon 2017 po natapos ang pagbabayad sa loan sa SSS at nakakuha na rin ng certificate of completion of payment.

May pagkakasundo po ang mga anak ng lola ko kung kanino mapupunta ang bahay at kailangan na lamang mapatitulohan.

Tanong po, paano po ang kailangan gawin kung isa sa mga anak ang magaasikaso nito? Wala pong mother title at ngayon pa lamang po magkaka titulo ang lupa. Maraming salamat po sa tulong ninyo.

 

Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)
Jescelyn Del Rosario
is a Legal expert in the Philippines
Kailangan pa muna ng mga anak na magpagawa ng Extra-judicial settlement of estate tungkol dito at kung sino sa mga anak ang gusto umangkin maaring mag waive nalang ang iba at ito ay maipangalan sa iisang anak lamang. Lahat ng mga anak at mga remaining heirs ay pepirma nito. You need the help of a lawyer para sa magprepare at para sa notaryo nito. Siguro may tax declaration na ito dahil hindi naman makapagpapatayo ng bahay kung walang building permit at isa ito sa mga requirements. You need to visit Registry of Deeds kung saan nakarehistro to check kung wala bang mga encumbrance pang nakaannotate po sa record. There you can ask for some other requirements at sa BIR for estate tax po.

Disclaimer: The materials available in the Buhay OFW web site are for informational purposes and not for the purpose of providing legal advice. You should contact your attorney to obtain advice with respect to any particular issue or problem. Use of and access to this Web site or any of the e-mail links contained within the site do not create an attorney-client relationship between Buhay OFW and the user or browser.

If you are a legal expert who would like to help answer questions, please register here.