Paano po malulunasan Yung right ear ko?

anonymous
This person has chosen to hide his/her identity. Medical History

Pumunta na po ako sa ENT ,any Sabi may posibilidad na may butas Yung eardrum ko , nililinisan niya po tenga ko nun tapos bnigyan Niya ako ng risitang gamot na ofloxacin ear drops....

Nawawala na po Yun tapos biglang bumalik na Naman.

Yung right ear ko po ngayon ay may kunti luga na tumutulo minsan ,tapos naririnig ko po hininga ko right ear, parang may something sa tenga ko tapos yung Pandinig ko po pag malayo Yung kaibigan ko na nagsasalita  minsan dko po masyadong naiintindihan sinasabi Niya, pero pag malapit naririnig ko siya. Kung malayo Naman Kung malakas siya magsasalita naririnig ko Naman per pag mahina sila magsasalita dko masyadong naiintindihan sinasabi nila.

 

Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)
Dr. Leo Montalvo
is a Medical expert in
Tuloy tuloy ba ang pag lagay mo ng gamot or hininto mo nung umokay na ang inyong pakiramdam? Ang gamutan ay dapat tuloy tuloy lamang sa loob ng panahong sinabi ng inyong ENT. Dapat din ay naka pag follow up kayo para na silip kung may improvement. Ang eardrum or tympanic membrane po kasi ay manipis. Ang butas dito ay makakaapekto sa pandinig. Maaring ito ay dahil sa impeksyon kaya nagbigay siya ng antibiotics sa tenga. Ito ay may chance maghilom kaso matagal since kakaunti ang dugong dumadaloy sa eardrums. Pag malala ang damage ay baka kailangannin itong operahan para ayusin ng mano mano. Kaya po ang payo ko po ay masinsinang follow up at pag lagay ng gamot ayon sa reseta. Wag po basta bastang ihinto ito.

The medical information contained in this section is not intended for treatment or prescription. It is used to complement, not replace, the communication between a patient and their physician. Reliance on any information provided by BuhayOFW or any medical experts is solely at your own risk. If you have a medical emergency, call your doctor or go to the hospital immediately.