Paano po sila nakapagbenta ng lupa ng wala kaming pirma?

Lucy Malicdem
is a non-Filipino member from the Philippines

Patay na po lolo at lola ko. patay na rin po ang mga magulang ko. yung pong natitirang kapatid ng magulang ko ayaw kami bigyan ng manang lupa galing sa lolo at lola ko. tapos po nakapagbenta sila ngayon ng lupa na hindi hinihingi pirma naming magkakapatid, posible po ba yun? maaari po ba nilang sabihin sa atty na sila lang ang magkakapatid at hindi na isama ang mga patay nilang kapatid?

2 person likes this

 

Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)
Jescelyn Del Rosario
is a Legal expert in the Philippines
Sa ating batas equal sharing po ang lahat ng magkakapatid sa mana na makukuha nila mula sa kanilang mga magulang. Kung patay na po ang ibang anak ito ay mapupunta sa mga anak ng namatay. So kung hatian ay through extra-judicial settlement meaning hindi na dumaan pa sa korte kailangan na ang lahat ng heirs ay pipirma nito. However, may mga pagkakataon na ang ibang anak ay nakatanggap na rin ng kanilang share bago pa namatay ang kanilang mga magulang through donation so wala na siyang maexpect na share sa natira so yan siguro hindi na lang pinapirma ng mga anak na maghati-hati nito. Pero kung wala pong natanggap entitled po kayo sa share. Maari po ninyong ipa annul ang nasabing sale ng mga kapatid ng inyong mga magulang na hindi kayo naisali kaya lang through court hearing na po ito at kung ang title nito ay nailipat na sa nakabili maaring hindi na po ninyo ito mabawi pa. Lalo na if the buyer is in good faith. Mas nakabubuti po na kumonsulta po kayo sa isang abogado dalhin po ninyo ang inyong mga ebidensya na magpapatunay sa property na pag aari ng inyong mga lolo at lola at mga, birth certificate ng inyong magulang na magpapatunay na sila po ang anak. May libre pong konsulta sa opisina ng PAO or sa opisina ng IBP na malapit sa inyong lugar.
Lucy Malicdem
is a non-Filipino member from the Philippines
maraming salamat po. GODBLESS po sa inyo at sa pamilya nyo

About the author

Jescelyn Del Rosario

Legal Services and Litigation works Philippine/Foreign Paralegal Works Graduated AB Political Science and Bachelor of Laws at University of San Jose Recoletos-Cebu Completed Lawyers Trial Academy Training sponsored by IBP Cebu Chapter AIT-DOST Scholar at Cebu Institute of Technology
Profession: Lawyer
MJ Del Rosario Law Office and Associates
Office Address: Block 19, lot 26-27, Deca Homes, Talisay
Philippines , Talisay , Cebu

Disclaimer: The materials available in the Buhay OFW web site are for informational purposes and not for the purpose of providing legal advice. You should contact your attorney to obtain advice with respect to any particular issue or problem. Use of and access to this Web site or any of the e-mail links contained within the site do not create an attorney-client relationship between Buhay OFW and the user or browser.

If you are a legal expert who would like to help answer questions, please register here.