PAANO PUMUTI ANG MUKHA AT BALAT NG MABILIS AT WALANG GASTOS? KUMINIS

Precious Gomez
is a Nurse in the Philippines

Kadalasan sa mga Pinoy ay nangangarap na maging maputi. Marami tayong napapanuod sa telebisyon, naririnig sa radyo, o di kaya nakikita sa mga naglalakihang billboard ng mga gamot o cream na pampaputi. Ngunit, ang tanong ng madla, epektibo nga ba? Karamihan sa mga ito ay walang epekto at nakakasama pa sa ating balat at kalusugan. Paano nga ba pumuti na walang gastos? Mas mainam na gumamit ng mga natural na paraan para pumuti.
 
Isa sa tanyag na pamputi na matatagpuan sa loob ng tahanan ay ang katas ng kalamansi o katas ng lemon. Makakatulong din ang pag-iwas sa pag-bilad sa araw. Nakakatulong din ang paggamit ng mga natural na mask o natural na nilalagay sa mukha.
 
Bago ka gumamit o bumili ng mga produktong pampaganda, mahalagang malaman mo kung anong uri ng balat meron ka o ang iyong skin type. Kahit sinong dermatologist o doctor sa balat ay magpapayo sayo nito. Upang masigurado kung anong klase ng produkto ang mas nababagay sayo. Hindi maging mabisa ang pagpapaputi, kung ang produktong gagamitin ay hindi angkop sa iyong kutis. Mapapasama pa ang kondisyon sa balat o di kaya ay magkakaroon kapa ng panibagong problema.
 
Malalaman ang uri ng balat sa pamamagitan ng reaksyon sa sikat ng araw at ultraviolet radiation. Karamihan sa mga nakatira sa asya (kasama na mga Pilipino) ay may mga kayumangging balat at kadalasan nasa type IV o mahigit pa ang skin type. Ayon sa pag-aaral ang mga taong nakatira sa Asya ay may makakapal na dermis (Dermis- ang pinakailalim at pinakamakapal sa ilalim ng balat). Ito ay mayaman sa collagen o natural na protina na matatagpuan sa ating katawan at epidermally. Mas lalong tumitingkad ang natural na kulay ng ating balat. Malaking tulong ito para ma-protektahan ang kutis laban sa sobrang pagkabilad sa araw.
 
Nakadepende sa dami ng moisture o oil sa balat, kung anong uri ng skin meron ang isang tao. Magkakaroon ka ng problema sa balat kapag sumobra o kumulang sa tubig o langis. Halimbawa, kapag napasobra ng oil ang balat malaki ang tsansa na matubuan ng acne o tigyawat at magiging mamantika ang balat. Maraming mga produkto na oil-free na tumutulong upang maging balanse ang langis sa balat. Isa din sa mga pangkaraniwan na problema ng tao ay ang pagiging tuyo ng balat o “dry skin”. Ang naging rason naman nito ay ang kakulangan tubig. Ang mga produkto para sa dry na balat ay naglalaman ng “water-based” upang maging moisture ang skin. Posible din na magkaroon ng mamantikang mukha at tuyong balat. Dahil dito maaari makabili ng produktong magkahalo para sa dry at oily na balat. May mga tao naman na normal ang balat, ibig sabihin balanse ang tubig at langis nito.
 
May iba naman na sa unang tingin lang sa salamin, natutukoy na kung anong uri ng balat meron sila. Ang iba naman, nararamdaman nila kung sila ba ay may tuyong balat, mamantika, o magandang balat. Kung ikaw ay hindi sigurado o nagdadalawang-isip, mas mainam na sumanggani sa eksperto sa balat. Sila ang nakakaalam kung ano ang tamang produkto ang nababagay sayo.
 
Ano nga ba ang mga paraan upang maging maputi ang balat, mamula-mulang kutis at paglisan ng mga pantal-pantal sa balat. Gamit ang mga simpleng sangkap sa loob ng bahay, malaki ang tsansa na pumuti.Hindi mo na kailangan na gumastos o maglabas ng pera. Gumanda kana, hindi pa nabutas ang bulsa.
 
Tatalakayin natin ang mga sumusunod:
Unang hakbang - Paano maiwasan ang maitim na balat.
Pangalawang hakbang - Paano alagaan ang balat.
Ikatlong hakbang – Matutong magantay
Ikaapat at ikalimang hakbang - Paano mas lalong tumingkad ang kutis.
 
Unang Hakbang: Protektahan ang sarili sa araw
 Kadalasan sa mga kulay sunog na balat at mga nangingitim ay nasobrahan sa paaraw. Kung takot ka na umitim, hangga’t maaari manatili sa loob ng tirahan o sa mga lugar na malilim. Kapag hindi maiwasan na magbilad sa araw, gumamit ng sunblock lotion na may SPF 30 pataas.
Karamihan sa mga doctor sa balat (dermatologist) ay nagsasabi na ang SPF 15 ay hindi ligtas gamitin. Posible na tatablan pa rin ang balat ng UVA (Ultra Violet A- mapanganib na sikat ng araw) at UVB (Ultra Violet B- pinakamapanganib na sikat ng araw dahil tumatagos ito sa pangalawang layer ng balat o dermis).
-    Magsuot ng sombrero upang hindi maarawan ang mukha. Lalong lalo na kapag tag-init. Ngayong henerasyon, marami ng mga iba’t ibang istilo ng sombrero na pwedeng pagpilian. Maaari din gumawa ng sariling disenyo.
 
Ikalawang Hakbang: Pagkuskus ng balat ilang beses sa isang linggo.
Nakakaputi ng balat ang palagiang pagkuskus ng katawan tuwing naliligo. Malaki ang tulong nito dahil natatanggal ang mga patay na balat o dead skin cells. Paalala lang, ang pagkuskus ng balat ay mabisa kung ang kasalukuyang balat ay maitim kesa sa orihinal mo na balat. Mag-mukhang sariwa o maaliwas ang balat dahil lalabas ang tunay na kulay nito.
-    Kuskusin ang katawan gamit ang scrub para sa katawan o panlinis sa mukha. Maglagay ng isang kutsaritang durog na almonds o oatmeal sa ginagamit na cleanser.
-    Mas epektibong gamitin ang pangkuskus na may brush o maaari din ang tuyo na brush para sa katawan. Para sa mukha gumamit ng espesyal na brush. Humanap ng brush na may malambot na bristle o ang pinapangkuskus. Kailangan gumamit ng malambot sa pisngi upang hindi ito mapinsala. Laging tandaan na ang pisngi natin ay manipis lang.
-    Kung gusto mong hindi mapagod, may nabibili din na de makinang pangkuskus. Ito ay mas madiin ang pagkakakuskus at nakakatanggal din ng mga patay na balat.
 
Ikatlong Hakbang: Iwasang umasa.
Kapag ang isang tao ay pinanganak na maitim, mahirap itong pumuti. Lalo na kapag gumagamit lang ito ng mga natural na pampaputi. Ang pag-iwas sa araw, madalas na pagkuskus, at paggamit ng mga natural na pampaputi ay magkakaroon ng konting pagbabago ang kutis. Huwag kalimutan na ang madalas na paggawa nito ang susi sa pagkinis at pagputi. Huwag kalimutan na bumisita sa subok at mapagkakatiwalaan na salon para sa balat. Mas mabisa kung maraming beses sa isang linggo bumisita upang magpa-facial.
 
Ikaapat na Hakbang: Gumamit ng mga natural na produktong pampaputi
Narito ang mga halimbawa ng mga tiis-ganda ngunit epektibo na pwede ninyong gamiting remedyo upang matamo ang inaasam-asam na kaputian sa mabilis na paraan.
 
1.                  Paano paputiin ang balat sa bahay?
Sa tulong ng mga sikat na mga bleaching agents, maaari mo ng mapaputi ang iyong kutis gamit ang tatlong pinaka-epektibong paraan kahit nasa bahay ka lang.
o    Paggamit ng mga lightening pills
Sa ngayon, ito ang pinaka-popular na paraan na ginagamit para sa pagpapaputi ng balat na kung saan ay nauugnay sa mga antioxidant properties ng mga pills na nakadaragdag sa epekto nito. Madaling tayong makakuha ng iba’t ibang mga anyo nito mula sa capsule, tablet, at kahit mga suplemento. Gayunpaman, ang mga Glutathione tablet ay talagang inirerekomenda dahil ito ay mas epektibo at nasisiyahan ang karamihan na mga gumagamit nito.
o    Paggamit ng Retinoid Creams
Ang paggamit nito ay kilala ding paraan upang lumitaw ang kaputian pati na rin sa pagpapalinaw ng discolorations sa balat. Maaari mo ring gamitin ito sa pagtanggal ng mga acne at pagpapakinis ng mga wrinkles. Ginagawa ang mga ito gamit ang isang acidic form ng Vitamin A kaya nililimitahan ang paggamit nito sa iisang reseta lamang.
 
2.                  Paano magkaroon ng maputing balat gamit ang natural na mga pamamaraan?
o    Gamit ang Turmeric
Ang Turmeric ay isang popular na pampalasa ng mga Indian. Ginagamit na rin itong pampaputi sa balat noong mga unang panahon pa lang. Pinipigilan nito ang pag prodyus ng melanin at tanning ng balat. Dalawa sa mga pinaka-epektibong paraan na maaari mong sundin kapag gumagamit ka ng turmeric ay ang mga sumusunod:
a.                   Gumawa ng isang timpla ng isang turmeric powder at gatas upang makabuo ng thick paste. Ilapat ang paste na ito sa iyong mukha o sa kasingit-singitang bahagi ng iyong katawan. Patuyuin ito bago hugasan ng maligamgam na tubig.
b.                  Gumawa ng isang timpla ng turmeric powder, lemon juice, at isang gramong harina. Ilapat ang tatlong pinaghalong sangkap sa iyong mukha. Iwanan ito ng 20-25 minuto bago kuskusin at hugasan ng maligamgam na tubig.
o    Gamit ang Kalamansi
Ang kalamansi ay isa rin sa pinaka-popular at pinakamainam gamitin bilang bleaching agent ng balat na may iba’t ibang paraan upang mas mapaganda ang kutis. Dahil ditto, narito ang dalawang karaniwang pamamaraan na maaari mong gamitin para sa mabilis na resulta sa pagpapaputi ng kutis.
a.                   Gamit ang isang cotton ball, ipahid ng direkta ang bukas na piraso at sariwang kalamansi sa apektadong bahagi. Iwanan ito upang matuyo sa loob ng isang oras. Maaari mo ring kuskusin nang direkta sa iyong balat. Hugasan ito ng maligamgam na tubig pagkatapos. Gawin ang simpleng remedyong ito isang beses araw-araw para sa mas mahusay na resulta.
b.                  Ihalo ang kalamansi juice, honey at powdered milk upang makabuo ng thick paste. Ilapat ang tinimplang sangkap sa madilim na bahagi ng iyong balat. Patuyuin ito ng mga 15-20 minuto bago hugasan. Gawin ito araw-araw hanggang mapansin mo ang kaaya-ayang resulta.
o    Gamit ang Papaya
Ang papaya ay isang prutas na may mga regular contents na ginagamit upang makagawa ng iba't ibang beauty treatments ngayon. Ito ay may napaka-epektibong katangian ng pagpapaputi at maraming nutrient na kilala upang mapangalagaan ang balat. Kapag ginamit ito bilang bleaching agent, ilan sa mga mabubuting pamamaraan na maaari mong gamitin ay ang mga sumusunod:
a.                   Kumain ng papaya dahil nakakatulong itong linisin ang balat at alisin ang mga impurities na nagpapadilim dito.
b.                  Gawing daily routine ang pagkuskos ng bahagi ng balat ng papaya sa mukha. Hayaan itong matuyo bago ito hugasan ng malamig na tubig.
c.                   Gumawa ng isang halo ng papaya at lemon juice. Ilapat ito sa mukha at iba pang parte ng katawan. Patuyuin ng 30 minuto. Hugasan ito gamit ang malamig na tubig. Ulitin ito iang beses bawat lingo hanggang mapansin mo ang mga pagabbago sa iyong kutis.
o    Gamit ang Niyog at Pinya
Para sa pamamaraang ito, ihalo ang pantay na dami ng parehong gatas ng niyog at katas ng pinya. Ilapat ang nagresultang timpla sa iyong balat at patuyuin ito. Hugasan ito gamit ang mainit na tubig.
 
3.                  Mga simpleng tips at pag-iingat na dapat sundin sa pagpapaputi ng iyong balat.
o              Iwasang magbleach sa anumang bahagi ng iyong balat na may sugat at sira.
o              Bago mo simulan ang proseso, isaalang-alang ang pagtesting ng iyong balat kung may allergy ka sa mga sangkap na iyong gagamitin sa pagpapaputi.
o              Iwasan ang mga sanhi ng pangangati ng balat.
o              Takpan ang mga sensitibong parte sa mukha tulad ng mga mata. Maaari kang gumamit ng hiwa ng pipino upang takpan ang mga mata bago gumamit ng pampaputi dito.
o              Ugaliing mag-apply ng moisturizer sa iyong balat pagkatapos ng proseso.
o              Mahalagang suriin ang lahat ng mga produktong pampaputi na iyong gagamitin (lalo na sa paggamit ng kemikal na pampaputi) upang masigurado ang kanilang kaligtasan at kung ang lahat ng mga sangkap ay banayad sa iyong balat.
o              Iwasan ang mga bleaching agents na naglalaman ng hydroquinone dahil ito ay nagbibigay ng panganib sa ating kalusugan.
 
May dalawang kaparaanan ng pagpapaputi na maaari mong pagpilian; natural at kemikal na pamamaraan. Karamihan sa mga paraang kemikal ay mas mahusay at may mas mabilis na resulta kumpara sa paraang natural. Gayunpaman, ang mga natural na paraan ay hindi gaanong mapanganib sa ating kalusugan sa kabila ng mabagal na resulta nito. Nasa iyo na ang desisyon kung ano ang gusto mong paraang gagamitin na kung saan ka mas hiyang at kumportable.
 
 
Pang-lima na Hakbang: Gumamit ng Maskara na nakakatanggal ng mga dead skin cells.
Kalamansi o lemon- Maganda ang kalalabasan kapag hinalo ang sangkap na pampaputi at pantanggal ng patay na balat. Makakagawa ka ng maskara para sa pampaputi at pampakinis ng kutis. Makakatulong din ito upang pumuti at maging sariwa ang pinakaloob na balat. Subukan na gumamit ng kalamansi o lemon juice, pulot o honey (ang honey ay nagpapalambot ng balat, dahil ang kalamansi ay nakakatuyo ng balat), isang kutsaritang durog na otmil. Haluing mabuti. Ilagay sa mukha o kahit saang parte ng katawan at ibabad ng 20 minuto. Pagkatapos ay banlawan mabuti ang katawan.
-    Gamitin ang dulo ng mga daliri sa pagtanggal ng maskara upang banayad lamang ang galaw. Nakakatulong ang oatmeal sa pagtanggal ng mga patay na balat sa mukha. Dahil dito kikinis at puputi ang kutis.
-    Kapag tuyo ang balat gumamit ng pipino imbes na kalamansi o lemon. Ihalo ng mabuti ang katas ng pipino at honey. Ilagay ito sa mukha at sa buong katawan. Pagkalipas ng labing limang minuto, banlawan ng maigi.
 
Oatmeal at luyang dilaw - Mabisang gamot ito para sa mga mamantika na balat.  Tumutulong ito para sa pampakinis at pampaputi ng kutis. Maghalo ng dalawang kutsarita ng otmil na kasing pino ng pulbo, karampot na luyang dilaw o turmeric, at konting patak ng kalamansi o lemon juice para lumapot. Ilagay sa balat, hanggang ito ay matuyo. Hugasan ng malinis na tubig at masahiin ng dahan-dahan upang matuklap ang mga patay na balat na nakakapit.
 
Papaya - Ang papaya ay may taglay na enzyme na tinatawag na papain. Nakakatulong ito sa pagtuklap ng lumang cells sa balat at paglitaw ng panibagong cells ng balat. Ang papaya ay mayaman din sa Bitamina C. Gumamit ng kulay berde na papaya dahil mas mayaman ito sa papain.
Mga hakbang sa paggawa ng papaya mask:
-    Balatin ng mabuti ang papaya at hiwain.
-    Ilagay sa blender hanggang maging pino.
-    I-aplay sa parte ng balat na nais pumuti.
-    Ibabad ng dalawampung minuto.
-    Banlawan ng maligamgam na tubig.
 
Yogurt o whole milk - Ang whole milk ay isang uri ng gatas na 3.5% pababa ang nilalaman ng taba nito. Ang yogurt at whole meat ay nagtataglay ng alpha-hydrocy acids na tumutulong unti-unti sa pagtuklap ng patay na balat. Haluin mabuti ang sugar-free o walang asukal na yogurt o whole milk sa oatmeal. Ilagay sa balat at pabayaan ng 20 minuto. Gamit ang maligamgam na tubig banlawan at masahiin ng hinay hinay ang balat.
-    Importante na gumamit ng walang asukal na yogurt at gatas, dahil ang ating balat ay hindi naman nangangailangan ng enzyme.
-    Isa sa alternatibo sa paggamit ay ang bulak. Kumuha ng bulak na bilog o cotton ball at isawsaw sa yogurt o gatas at ilagay sa balat. Maaari gamitin kahit na wala ng oatmeal.
 
Ang pagkakaroon ng isang kutis porselanang balat ay nakapagpapalakas ng awra at nakakadagdag ng kumpyansa sa sarili. Marami sa atin ang naghahangad ng mala-artistang kutis kagaya na lamang ng kamatis na napakakinis. Sa kasamaang palad, hindi lahat ay may pribilehiyo na magkaroon ng natural na kinis na balat. Sa katunayan, marami pa rin sa atin ngayon na tinitiis na lang ang mga dark spots sa kanilang balat tulad ng sa paligid sa mata, mga siko, sa likod ng tenga at sa kasingit-singitang parte ng katawan. Kasama na rin dito ay ang mga pilat, pigmentation o hindi pantay na kulay ng balat.
Maaari ng pumuti kahit na hindi kailangang mag-waldas ng salapi.

About the author

Precious Gomez

I am knowledgeable in the use of computer and online apps. I've done freelance article writing for more than 5 years. I am hard working. I still have a lot of things to learn and very open for training and guidance. Thank you so much for viewing my profile.
Profession: Nurse
Philippines , National Capital Region , Pasig

 

Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)
anonymous
This person has chosen to hide his/her identity.
May iba pa po ba gamot o lunas sa pagpapaputi pwera sa bleaching creams? Maitim po balat ko at kayumanggi. Dahil po sa pagbilad sa araw, iba iba po ang kulay ng kutis ko ngayon. Pinayuhan po ako ng mga kakilala ko na gumamit ng bleaching cream daw para pumuti. Pero nung nagbasabasa ako, nalaman ko na kelangan pala palagi nagpapahid ng bleaching cream para hindi bumalik ang maitim na kulay. Gusto ko po sana gumamit ng natural at ligtas na gamot. Pwede po magpaputi kahit hindi gumamit ng bleaching cream.
Recommend Reply Report abuse
Dr. Jen Cruz
is a Medical expert in United States
Ikinalulungkot ko sabihin na walang produkto na permanenteng makakapagpabago ng kulay ng ating balat. Ito ay dahil palaging nagpapalit ang skin cells natin, at naapektuhan ang ating kutis sa pagbibilad sa araw at pagbabago ng hormones. Ang pinaka-ligtas at mabisang lunas pa rin ang paggamit ng sun screen ng ilang beses sa isang araw upang maiwasan ang pagiiba iba ng kulay ng balat. Pwede rin gumamit ng mga creams na may hindi matatapang na sangkap, tulad ng glycolic acid vitamin C o ibang fruit acids para matulungan magtuklap at mapalitan ang lumang balat.
Recommend Reply Report abuse

Disclaimer: The materials on the Buhay OFW Website are for general information purposes only and should not be construed as religious advice, spiritual advice, opinion or any other advice on any specific facts or circumstances. Readers should not act or refrain from acting upon this information without seeking professional advice. Transmission of information on or by use of this Website is not intended to create, and receipt does not constitute, a client relationship between the sender and receiver. Photographs and other graphics used on this website may be for dramatization purposes only, and may include models or stock photos. Likenesses do not necessarily imply current client, membership, partnership or employee status.