PAANO PUMUTI, KUMINIS, MAPAPUTI O PAPUTIIN ANG TUHOD? ANO PAMPAPUTI NG TUHOD

Dr. Jen Cruz
is a Medical expert in United States

Ano Paraan sa Pagpapaputi ng Tuhod?
Ang maitim na tuhod ay maaring makapagpapabawas ng kumpiyansa sa sarili lalo na sa mga kabataan at karamihan dito ay ang mga kababaihan.

Nawawalan ng ganang magsuot ng mga maiiksing shorts o damit sa dahilang sila’y may maitim na tuhod. May mga iba’t – ibang paraan para pwede itong pumuti at ito ang mga sumusunod:
 
Baking Soda
Hindi lamang para sa paggawa ng cake at tinapay ang baking soda, gamit din itong panglinis sa balat kaya epektibo itong pampaputi ng tuhod. Nakakatulong ito sa pagtanggal ng mga dead skin cells at nakapagpapabawas ito ng hyper-pigmentation na nabubuo sa mga tuhod. Maglagay lamang ng isang kutsaritang gatas at baking soda. Imasahe ito sa maitim na tuhod sa loob ng dalawa o tatlong minuto. Pagkatapos ay banlawan ng maligamgam na tubig at patuyuin.
 
Kalamansi
May mataas na antas ng vitamin C ang kalamansi na tumutulong sa pag alis ng mga dead skin cells at nakapagpapaputi ng maitim na balat. Maghiwa lamang ng apat na piraso ng kalamansi, ipahid at imasahe ito sa iyong tuhod sa loob ng limang minuto. Hayaan ang kalamansi sa iyong tuhod sa loob ng labindalawang minuto at hugasan ito pagkatapos.
 
Asukal
Pwede ring subukan ang asukal bilang panghilod sa katawan. Nakapagtatanggal din ito ng mga dead skin cells at nakapagpapalambot ng balat ang mga butil ng asukal bilang exfoliant. Maghalo lamang ng parehong dami ng asukal at langis ng niyog. Ipahid ito sa tuhod ng limang minuto. Banlawan ng sabon at maligamgam na tubig. Gawin ito araw-araw hanggang sa pumuti na ang tuhod.
 
Langis ng Niyog
Nagtataglay ito ng vitamin E na mabisang pampaputi ng balat kabilang na ng tuhod . Maganda rin itong moisturizer para sa may tuyong balat o dry skin. Pwedeng gamitin ito tuwing pagkatapos maligo, magpahid lamang ng langis ng niyog sa mga tuhod at imasahe sa loob ng isa o dalawang minuto. Gawin lang ito ilang beses araw-araw para maiwasan ang panunuyo ng tuhod. Pwede rin namang subukang maghalo ng isang kutsaritang langis ng niyog at kalahating kutsara ng katas ng kalamansi. Ikuskos ito sa maitim na tuhod at hayaan ito sa loob ng labinlima o labindalawang minuto. Punasan ito ng tisyu o tuwalya at gawin lamang ito ng isang beses kada araw.
 
Honey
Pampatamis sa pagkain at sa mga lutuin ang honey. May taglay itong bitamina na nakatutulong sa pagpapaputi ng balat kabilang na ang tuhod. Maghalo lamang ng isang kutsaritang honey at katas ng apat na hiniwang kamatis. Ipunas ito at imasahe sa iyong tuhod sa loob ng dalawa o tatlong minuto.
 
Pag – inom ng mga Bitamina at Gamot
Mabisang paraan ang pag inom ng mga gamot sa pagpapaputi ng tuhod. Ngunit sa ganitong paraan, nangangailangan ng payo ng isang eksperto sa balat upang maiwasan ang pag inom ng mga gamot na hindi hiyang sa iyong katawan. Ang mga vitamin E at C lamang ang may mabisang bitamina para sa pagpapaputi ng balat. Nariyan rin ang mga tabletang pampaputi na nagtataglay at mayroong sangkap ng Glutathione na mabisang gamot sa pampaputi ng balat.
 
Pumice Stone
Isa ito sa mga gamit na pangtanggal ng mga dead skin o mga patay na balat. Ikuskos lamang ang pumice stone sa maitim na parte ng balat habang naliligo.
 
Aloe Vera Gel
Nagpapabawas ito ng pinsala sa balat dahil sa sobrang pagbibilad sa araw. Nagpapakinis ito at pinipigilan ang pagtutuyo ng balat lalong lalo na ang tuhod.
 
Sunscreen Lotions
Binabawasan nito ang pangingitim ng balat sanhi ng sobrang pagbibilad sa araw. Mabisa itong proteksyon sa araw lalo na sa panahon ng tag-init. Maaari din itong gamitin araw-araw pagkatapos maligo upang mapanatiling makinis ang balat.
  
Hindi masama ang paghahangad na magkaroon ng maputing tuhod. Sundin lamang ng maayos ang tamang pamamaraan sa paggamit nito at nararapat lamang na suriin muna ang mga gamot sa pagpapaputi bago ito inumin. Kinakailangan ng wastong pag-iingat sa hangaring pumuti ang tuhod o balat upang maisakatuparan ang mga ito.

About the author

Dr. Jen Cruz

U.S. trained General Practice Family Doctor. Has additional qualifications in ultrasound, emergency medicine, and traumatology.
Profession: Family Medicine
Private practice
United States , California , San Francisco

 

Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)

Disclaimer: The materials on the Buhay OFW Website are for general information purposes only and should not be construed as religious advice, spiritual advice, opinion or any other advice on any specific facts or circumstances. Readers should not act or refrain from acting upon this information without seeking professional advice. Transmission of information on or by use of this Website is not intended to create, and receipt does not constitute, a client relationship between the sender and receiver. Photographs and other graphics used on this website may be for dramatization purposes only, and may include models or stock photos. Likenesses do not necessarily imply current client, membership, partnership or employee status.