PAANO UNDERIN ANG LALAKE? PAANO MAPAAMO ANG ASAWA, BF O GF?

Gabriela Ortega
is a Blogger/ Researcher in the Philippines

Maraming paniniwala ang mga matatanda ukol sa kung paano maging takot ang lalake sa babae.
PAANO UNDERIN ANG LALAKE? PAANO MAPAAMO ANG ASAWA, BF O GF?

Dito sa Pilipinas, maraming sabi-sabi sa probinsiya tungkol dito. Di natin alam kung totoo ito, pero wala naman siguro mawawala kung susubukan.



Narito ang iilan:
 
1. Apak-apakan o ipatong ang paa ng babae sa lalake. Maaring kunwari naglalambing lamang, upang hindi mahalata.
2. Kelangan palagi nasa unahan sa tuwing maglalakad. Maari mauna ng bahagya, sa gayon di niya ito mahalata.
3. Kelangan mauna lumabas pagkatapos ng kasal
4. Lawayan ang pagkain o inumin ng asawa. Pero payo lang, hangga’t maari, huwag ito sundin dahil baka mapano pa ang asawa.
5. Laging mataas ang pwesto, para laging nakatingala ang lalaki kapag naguusap.

Ang mga nabanggit ay walang tiyak na kasiguraduhan. Pero kung gusto mo talagang makontrol ang asawa gamit ng iyong pag-ibig, kumbaga lalo siya maghuhumaling sayo, narito ang mga dapat gawin:
 
1. Pagkagising sa umaga, lagi itong batiin ng “good morning” sabay kiss dito.
2. Laging sabihin kung gaanu ka kaswerte na naging asawa ito.
3. Laging purihin at ipakita dito na binibigyan mo ng importansya ang lahat ng kanyang ginagawa.
4. Kailangang mayroon kang palayaw na tinatawag sa kanya, yung ikaw lang ang tumatawag nun. Syempre sa positibong paraan, na masarap pakinggan. Gaya ng “my loves, sweety, babes, babe, langga, mahal, at marami pang iba.
5. Maglagay ng mga maiiksing “love notes” sa baunan o gamit.
6. Kapag nasa trabaho ang lalaki, tawagan ito at sabihing “mahal kita”. Pero tumawag lamang ng paminsan-minsan at hindi yung minomonitor mo na ito. Aba, baka masakal naman siya.
7. Yakapin pagdating nito sa trabaho. Sabi nga nila, “action speaks louder than words”.
8. Supresahin ng paborito nitong ulam, lalo na sa panahon na tingin mo ay malungkot ito. At iwasan ding late matapos ang niluluto, kinakailangang nasa tamang oras lagi ang paghain.
9. Huwag hayaang ibang tao ang magsisilbi ng pagkain. Dahil, baka hindi mo namamalayan eh, malayo na pala ang loob nito sayo.
10. Iwasang hamunin o huwag subukan ang pasensya nito, lalo na kung ito ay galit. Huwag sabayan ang galit, hindi naman kayo manok na panabong na kailangan sabay magalit.
11. Puntahan at humingi ng “sorry” kung sa tingin mo ay malamig na ang ulo.
12.  Ipaliwanag ng maigi kung bakit nagawa ang bagay na ikinagalit nito.
13. Respetuhin ang asawa, lalong-lalo na ang magulang nito.
14. Bigyan mo ito ng oras para sa kanyang sarili. Hindi sa lahat ng lakad nito ay nakabuntot ka. Hayaan mo siyang magdesisyon para sa kanyang sarili. Hello! Di na siya bata noh.
15. Huwag hayaang maging losyang ang sarili. Kahit matagal na ang inyong pagsasama, dapat lagi mabango at nakaayos. Pero take note lang, mag-ayos para sa asawa, hindi para sa iba.
16. At higit sa lahat, panatilihing sweet sa isa’t isa. Yayain ang asawang mag-date. Walang sabit o istorbo sa inyong date. Dahil magkaiba ang pamamasyal na kasama ang mga bata at yung kayo lang talaga.

Sa bawat relasyon ay may kanya-kanyang pagsubok na hinaharap. Iwasang ikumpara ito sa iba. Mag-pokus sa sariling relasyon, upang maging magaan at masaya ang pagsasama. Tahimik ang buhay, kung ang isa’t-isa ay mayroong respeto, handang makinig sa partner, mahinahon at di galit o init ng ulo ang pinapairal. Iwan na lang kung wala pang-forever para sa inyong dalawa.

About the author

Gabriela Ortega

I'm a freelance blogger, and an aspiring author. Graduate of De La Salle University.
Profession: Blogger/ Researcher
Philippines , Metro Manila , Makati
The medical information contained in this section is not intended for treatment or prescription. It is used to complement, not replace, the communication between a patient and their physician. Reliance on any information provided by BuhayOFW or any medical experts is solely at your own risk. If you have a medical emergency, call your doctor or go to the hospital immediately. BuhayOFW's Medical Review Board is a team of board-certified doctors who ensure our content is medically accurate and reflects the latest in health information. Our experienced board of medical professionals verify that our content is thorough and all-inclusive, in order that you can trust the information you read here will help you through improvements in your health journey—whether that’s for yourself or for a loved one.

 

Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)

Disclaimer: The materials on the Buhay OFW Website are for general information purposes only and should not be construed as religious advice, spiritual advice, opinion or any other advice on any specific facts or circumstances. Readers should not act or refrain from acting upon this information without seeking professional advice. Transmission of information on or by use of this Website is not intended to create, and receipt does not constitute, a client relationship between the sender and receiver. Photographs and other graphics used on this website may be for dramatization purposes only, and may include models or stock photos. Likenesses do not necessarily imply current client, membership, partnership or employee status.