PAANONG PATUTUBUIN ANG BUHOK SA NATURAL NA PARAAN? Nawawalan ng buhok, Kinakalbo

anonymous
This person has chosen to hide his/her identity. Medical History

Kalimutan mo na ang mamahalin, puno ng kemikal na mga produktong para sa buhok, at batiin mo ang mga natural na pangremedyo. Walang katumbas ang kakayahang samantalahin kung ano ang ibinibigay ng kalikasan. Habang lumilikha ng mga bagong selyula ng buhok ang mga follicle, naitutulak ang mga lumang selyula sa balat sa bilis na halos anim na pulgada kada taon. Ang buhok na nakikita mo, sa katunayan, ay isang pisi ng mga patay na selyula ng keratin. Isa sa mga kawili-wiling katotohanan ay mayroong 100,000 hanggang 150,000 hibla ng buhok ang karaniwang taong nasa hustong gulang, at nawawalan siya ng hanggang 100 nito kada araw. Kung gayon, hindi naman talaga dapat ikabahala kung may makikita kang ilang hibla ng buhok sa iyong suklay.

Noong una, tiningnan ang paglalagas ng buhok bilang isa sa mga senyales ng pagtanda, subalit sa kalagayang urban kung saan may abalang istilo ng pamumuhay ang mga tao, marami na ang nababahala dahil dito. Maraming dahilan kung bakit naglalagas ang buhok, mula sa epekto ng gamot, hormonal imbalance, ang iyong kinakain, at pagod sa trabaho. Dahil nakagawian na, lagi tayong naghahanap ng mabilisang remedyong kemikal para sa paglalagas ng buhok sa kabila ng mga nakasasamang epekto nito. Pinakamainam na solusyon ang paggamit ng natural na lunas, sapagkat wala itong mga side effect at pangmatagalan ang mga resulta nito.

Gaano Kabilis na Tumutubo ang Buhok?
Bago tayo magsimula sa mga paraan ng mas mabilis na pagpapatubo ng buhok, talakayin muna natin kung gaano ang karaniwang bilis ng pagtubo nito, nang sa gayon ay alam natin kung ano ang dapat nating asahan.
Nakabatay sa dalawang bagay ang bilis ng paghaba ng iyong buhok: genetika at ang hugis ng iyong follicles. Sa pangkalahatan, pinakamakapal at pinakamagaspang ang buhok ng mga Asyano kumpara sa mga Kaukasyan at Aprikano.
Humahaba ng kalahating pulgada ang buhok kada buwan, na tila napakabilis subalit hindi nararamdaman sa tunay na buhay. Maraming bagay, tulad ng labis na pag-iistilo, masamang diyeta, at hindi pag-aalaga nang maayos sa iyong buhok, ang maaaring magresulta sa split ends at pagkaputol, na siyang nagpapaiksi sa iyong buhok.

Mga Natural na Paraan Upang Pahabain ang Iyong Buhok:

1. Kumain ng masustansiyang pagkain.
Ang pagkain ng diyetang mayaman sa protina at mga mahahalagang bitamina at mineral ay esensyal na pangangailangan para magkaroon ng malusog na paghaba ng buhok. Pumili ng mga pagkaing mayaman sa bitamina A, B, C, at E, iron, zinc, copper, magnesium, at selenium. Ang bitamina B-complex, sa partikular, ay lubhang mahalaga upang mas mabilis na patubuin ang iyong buhok.

Kaya maglakip ng iba’t ibang pagkain tulad ng gatas, keso, yogurt, manok, itlog, mga buong grains, salmon, spinach, broccoli, bell pepper, repolyo, parsley, suha, avocado, brown na tinapay at oats sa iyong diyeta upang bigyan ng sustansya ang iyong buhok at anit. Uminom rin ng sariwang katas ng prutas at gulay, tulad ng dalanghita, suha, carrots, beets, at litsugas.

Maganda rin para sa pagpapatubo ng buhok ang isda, flax seeds, walnuts, beans, olive oil, at iba pang pagkaing mayaman sa omega-3 fatty acids sapagkat halos 3% ng shaft ng buhok ay binubuo ng omega-3 fatty acids.

2. Gumamit ng castor oil.
Dahil mayaman ito sa bitamina E at mga mahahalagang fatty acid, lalo na ang omega-9 fatty acid, natural na itinataguyod ng castor oil ang paghaba ng buhok.
Dahil malapot ang langis na ito, ihalo ang castor oil sa katumbas na dami ng langis ng niyog, olive oil, o almond oil. Masahiin ang iyong anit gamit ang pinaghalong langis na ito at hayaan muna ng 30 hanggang 45 minuto. Pagkatapos, i-shampoo ang buhok mo. Maaari ka ring magdagdag ng essential oils, lalo na ang rosemary, peppermint, eucalyptus, lavender, o thyme sa castor oil at ilagay iyon sa iyong buhok.

3. Masahiin ang iyong anit.
Itinataguyod ng pagmamasahe ang pagdaloy ng dugo sa anit, na siyang naghihikayat na tumubo ang mga hair follicle. Dagdag dito, gumamit ng hot oil treatment o deep conditioning hair mask upang i-deep condition ang iyong buhok nang isang beses sa isang linggo.
Ilagay ang langis (mas maganda kung maligamgam) o conditioner sa iyong buhok.
Marahang ikuskos ang iyong mga daliri sa iyong anit nang paikot sa loob ng tatlo hanggang limang minuto.
Banlawan ang langis o conditioner hanggang matanggal sa iyong buhok.

4. Iwasan ang stress o pagod.
Ang stress o pagod ay isa sa mga panakamalaking salik na nagdudulot ng paglalagas ng buhok. Pinaniniwalaang kayang gambalain ng stress ang normal na cycle ng pagtubo ng buhok at nagiging dahilan para pasukin ng buhok ang yugto ng telogen o paglalagas. Kung gayon, kapag naghahangad na mas mabilis tumubo ang buhok, bawasan ang stress sa iyong buhay.
Upang pigilan ang stress, maaari kang mag-meditate, gumamit ng mga ehersisyo sa paghinga, at iba pang teknik sa pagrerelaks. Ganundin, tiyaking makakatulog ka nang maayos sa gabi sapagkat inilalabas ang hormone ng pagtubo habang ikaw ay natutulog.

5. Magbati ng itlog.
Lubhang kapaki-pakinabang ang mga itlog para sa mabilis na pagpapatubo ng buhok dahil puno ito ng protina at mayroon ding iron, sulfur, phosphorus, zinc, at selenium. Maaari kang gumamit ng hair mask na gawa sa itlog nang isang beses kada buwan.

Magbati ng itlog. Lagyan ng apat na kutsasrang grapeseed oil at maglagay ng ilang patak ng lavender oil. Ilagay ito sa iyong buhok at anit at hayaan ng kalahating oras. Pagkatapos, banlawan at i-shampoo ang iyong buhok gaya ng lagi mong ginagawa.
Maglagay ng pinaghalong dalawang itlog at dalawang kutsarang extra-virgin olive oil sa iyong anit. Hayaan ito ng 15 hanggang 20 minuto. Banlawan gamit ang malamig na tubig at pagkatapos ay i-shampoo ang iyong buhok.

6. Palusugin ang iyong buhok gamit ang aloe vera o sabila.
Hinihikayat ng aloe vera ang pagtubo ng buhok at pinipigilan nito ang paglalagas. Binabawasan din nito ang balakubak at nakakatulong itong pabalikin ang natural na kintab ng iyong buhok.
Maglagay ng sariwang aloe vera gel na hinaluan ng kaunting katas ng lemon at hayaan ng halos 20 minuto. I-shampoo ang iyong buhok. Gawin ito nang isang beses kada isa o dalawang linggo.
Maaari mo ring ihalo ang aloe vera gel sa parehong dami ng gata ng niyog at ilagay iyon sa iyong buhok.
Uminom ng aloe vera juice nang regular.

7. Gamitan ng mga damong-gamot ang iyong buhok.
Ang mga damong-gamot tulad ng rosemary, catnip, nettle, horsetail, at sage ay humihikayat sa mas mabilis na pagtubo ng buhok. Ang rosemary, sa partikular, ay napakahusay sa pagpapatubo ng buhok dahil hinihikayat nito ang mga hair follicle. Pinakikintab rin nito ang iyong buhok.
Dagdag pa rito, ang mga polyphenol at mga katangiang nakakagamot sa pamamaga ng green tea ay iniuugnay rin sa pagtubo. Maraming damong-gamot ang humihikayat sa pagtubo ng buhok sa pamamagitan ng pagpapahusay sa sirkulasyon ng dugo.
Maghanda ng herbal na inumin sa pamamagitan ng paglulublob ng alinman sa mga damong ito sa mainit na tubig ng 10 hanggang 20 minuto. Gamitin iyon bilang huling banlaw matapos i-shampoo at conditioner ang iyong buhok. Bukod sa paghihikayat sa pagtubo ng buhok, patitibayin, palalambutin at gagawin nitong madaling pasunurin ang iyong buhok.
Maaari ka ring maghalo ng mga katas ng damong-gamot o essential oil sa iyong shampoo tulad ng Cedarwood, Tea Tree, Lavender, at Rosemary.
Uminom ng mga herbal na tsaa.

The medical information contained in this section is not intended for treatment or prescription. It is used to complement, not replace, the communication between a patient and their physician. Reliance on any information provided by BuhayOFW or any medical experts is solely at your own risk. If you have a medical emergency, call your doctor or go to the hospital immediately.

 

 

Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)
Precious Gomez
is a Nurse in the Philippines
Mukhang effective nga.