Paano Ibebenta ang Lupang Minana kung nasa Abroad ang isang Tagapagmana? SPA Inheritance and Selling of Property?

Mark Sicat
is a IT in the Philippines

May katanungan pa po ako, yung po kasing nagbebenta ng lupa bale 9 silang magkakapatid yung isa po patay na kasal at walang anak, tama po ang mana po niya ay mapupunta sa asawa niya kahit may pamilya ng iba? Tapos po yung isang kapatid po nasa abroad , paano po ba ang pagexecute ng extra judicial settlement of the estate? Maari po bang magpagawa ng SPA dito sa Pinas at ipadala sa Abroad para mapirmahan at ipadala ulit dito sa Pinas at ipanotaryo? Ang iindicate po sa  SPA ay iaalow siya na “isettle ang estate” nung nasa abroad so and representative ang pipirma sa extra judicial settlement of the state,” ibenta ang parte niya “ etong representative na to ang pipirma sa deed of sale at ang pera ay ibibigay sa kanyang pamilya,  tama po ba attorney? Possible po ba ang ganitong pamamaraan, tapos po sa mga ibang magkakapatid na nadito sa Pilipinas since madami silang magmamana pagagawan ko sila ng SPA para sa 8 magkakapatid na ang isang kaanak nila ang magbebenta ng lupa nilang minana at tatangap ng bayad at magbabayad ng mga dapat bayaran na obligasyun. Maraming Salamat po attorney sana po mabigyan nyo po ako ng magandang sagot godbless po

 

Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)
Jescelyn Del Rosario
is a Legal expert in the Philippines
According po sa Civil Code of the Philippines "Article 1001 Should brothers and sisters or their children survive with the widow or widower, the latter shall be entitled to one-half of the inheritance and the brothers and sisters or their children to the other half. (953, 837a)" Meaning po only half of the share ng husband ang magiging share ng surviving wife po. Pwede pong magpagawa ng SPA ang mga heirs na isa nalang ang magbenta ng nasabing propery ngunit ang lahat ng heirs na nag authorize should sign in the presence po sa notary public. Kung ang isa po sa kanila ay nasa abroad gagawa po siya ng separate na SPA at ito ay ipanotarize sa consul kung saan country po siya. Send it to the Attorney in fact in the Philippines kailangang nakared ribbon na ito sa consul po.
Mark Sicat
is a IT in the Philippines
attorney salamat po sa inyong tulong, ang isang tanung ko pa po kung nasa abroad po yung kapatid na heirs saan po siya pwede magpagawa ng SPA? sa Philippine Embassy po ba ? or Consul? or notary public din sa abroad ? salamat po
Mark Sicat
is a IT in the Philippines
ask ko din po attorney nagpapatulogn kasi saken yung nagbebenta ng lupa dahil hindi nmaan din sila iba saken, sa SPA po my standard term po ba kau sa mga gustong ipagawa ng principal sa representative? eto po kasi ang ilalagay nila sa SPA.

to be my attorney-in-fact who is authorized to do the following:
1. To sign the Extra Judicial Settle of Estate on my be haft
2. To sign the Deed of Sale on my be haft
3. To Sell the portion of my property
4. To settle all the expenses with regards to selling of the said property
5. To receive payments and give the remaining to my family
ok po kaya yang mga naka breakdown na yan sa pag mana niya ng parte niya sa lupa at pagbebenta attorney wala po kayang maging problem ? or baka po my standard na terms kayo na pwede gamitin salamat po

Mark Sicat
is a IT in the Philippines
attorney magandang araw po nasabi po saamen na tungkol sa kamag ng may ari ng lupa na nasa abroad hindi na pala red ribbon ang kailanagan , apostille na daw po paano po ba makukuha ang kamag anak na nasa sa ibang bansa ? ask ko na din po attorney na kasi yung nasa abroad gagawa siya ng SPA yung iaauthorize niya po meaaried na pero ang mga ID's niya dito sa Pinas eh surname pa ng pagkadalaga wala po bang magigign kaso ito? or ipapalagay sa SPA na surname na dalaga nalang muna ang gamitin nyan since ang mga ID's niya ay surname ng pagkadalaga? ano po ang mas magandang gawin asalamat po godbless
Jescelyn Del Rosario
is a Legal expert in the Philippines
Okay na po yan pwede pa po ninyong dagdagan whatever po gusto ninyong i authorize sa attorney-in-fact ninyo. The lawyer who will draft that knows ano ang dapat idagdag pa niyan.
Jescelyn Del Rosario
is a Legal expert in the Philippines
Same process po ang apostile ay sa consul pa rin or philippine embassy pa rin gawin yan. No problem about ID's surname just bring marriage contract photocopy to support it.

About the author

Jescelyn Del Rosario

Legal Services and Litigation works Philippine/Foreign Paralegal Works Graduated AB Political Science and Bachelor of Laws at University of San Jose Recoletos-Cebu Completed Lawyers Trial Academy Training sponsored by IBP Cebu Chapter AIT-DOST Scholar at Cebu Institute of Technology
Profession: Lawyer
MJ Del Rosario Law Office and Associates
Office Address: Block 19, lot 26-27, Deca Homes, Talisay
Philippines , Talisay , Cebu

Disclaimer: The materials available in the Buhay OFW web site are for informational purposes and not for the purpose of providing legal advice. You should contact your attorney to obtain advice with respect to any particular issue or problem. Use of and access to this Web site or any of the e-mail links contained within the site do not create an attorney-client relationship between Buhay OFW and the user or browser.

If you are a legal expert who would like to help answer questions, please register here.