PAGDUGO NG NGIPIN AT GILAGID: Ano Gamot sa pamamaga ng gilagid o Gingivitis?

Medical Team
is a Medical expert in United States

Nararanasan mo na ba ang pagdugo ng iyong gilagid habang nagsisipilyo? Maaaring sanhi ito ng pagipon ng mga dumi sa ngipin na nagdudulot ng gingivitis o pamamaga ng gilagid.  
 PAGDUGO NG NGIPIN AT GILAGID: Ano Gamot sa pamamaga ng gilagid o Gingivitis?
Napakalaki ng tungkulin ng ating gilagid dahil ito ang parte ng bunganga na sumusuporta sa ngipin. Kung tutuusin, isang posibleng rason ng toothache o sakit ng ngipin ay marupok na gilagid.
 PAGDUGO NG NGIPIN AT GILAGID: Ano Gamot sa pamamaga ng gilagid o Gingivitis?
Ang Gingivitis, o ang pamamaga ng gilagid, ay ang pangalawang pinaka-pangkaraniwan na sakit sa bibig. Lingid sa kaalaman ng nakararami, kalahati ng buong populasyon ng Pilipinas ay may sakit o problema sa gilagid. Bihira ka lang makarinig ng nagrereklamo tungkol dito, dahil medyo karaniwan ang sintomas nito. Pero ‘pag ito ay di mabigyang pansin, lalala ito at magiging Periodontitis na magdudulot ng pagkawala ng ipin.
Sa videong ito, tatalakayin natin kung paano mo malaman na mayroon kang gingivitis, at mga epektibong halamang gamot sa pagdugo ng gilagid
 
Tamang Pag-suri sa Problema
Bago ang lahat, aalamin muna natin kung paano ang tamang pagsuri ng ngipin at gilagid. Inirerekomenda ng mga eksperto na bisitahin ang iyong dentista minsan sa loob ng anim na buwan at hindi lamang kung napakatindi na ang sakit ng iyong ngipin. Kailangan nilang makita at matanggal ang plaque (malambot at malagkit na bahid ng dumi sa ngipin matapos kumain) at tartar (nanigas na plaque) na siyang nagpapalala ng Gingivitis.
 
Kapag hindi pa naman oras ng iyong check-up, responsibilidad mong suriin ang iyong ngipin at gilagid pagkatapos mong magsipilyo.
 
Ito ang mga palatandaan ng Gingivitis:
·       Namamagang gilagid
·       Namumula o nangingitim na gilagid
·       Pagdurugo ng gilagid tuwing nagsi-sipilyo o nagfo-floss
·       Mabahong hininga
·       ‘Receding gums’ o ang pag-urong ng gilagid kung saan kita na ang ibabang parte ng ngipin
·       Pag-kirot ng gilagid
 
Kung nararamdaman mo ang mga ito, makabubuti sa iyo na magpa-appointment sa iyong dentista. Kung hindi mo pa ito magagawa sa ngayon dahil kinakabahan ka sa gastos o kung anumang rason, subukan mo ang mga sumusunod na panlunas:
 
1. Salt Water o Tubig Na May Asin
PAGDUGO NG NGIPIN AT GILAGID: Ano Gamot sa pamamaga ng gilagid o Gingivitis?
Tinaguriang natural disinfectant, ito ay malimit na inirerekomenda ng mga doktor na panlunas sa singaw (canker sore), sore throat at sipon dahil may kakayahan itong pumuksa ng mikrobyo. Ayon sa isa pang pagsusuri, kayang pawiin ng salt water ang sintomas ng Gingivitis kapag ginamit itong pangmumog araw-araw. Ito na marahil ang pinaka-pangmadlang payo sa listahan dahil lahat ng kusina ay may asin at tubig.
Wastong Paghanda at Pag-gamit
Maghalo ng 1 kutsara ng asin sa 1 baso ng maligamgam na tubig. Gamitin itong pang-mumog habang nagsisipilyo.
 
2. Baking Soda
PAGDUGO NG NGIPIN AT GILAGID: Ano Gamot sa pamamaga ng gilagid o Gingivitis?
Isa pa ito sa mga pinaka-murang paraan para maibsan ang problemang dulot ng Gingivitis dahil hinahadlangan nito ang pagbuo ng plaque sa ngipin. Ngayon, idinadagdag na ang baking soda sa mga sangkap ng toothpaste dahil nagpapaputi ito ng ngipin. Maaari mong gamiting yung toothpaste na mayroong baking soda, ngunit maaari ring gamiting ang baking soda na pang-hurno o pang-luto.
Wastong Paghanda at Pag-gamit
Maaaring ihalo ang isang kutsarang baking soda sa salt water solution at ipang-mumog ito. Sabi ng iba, magiging mas epektibo ito na mouthwash.
 
Pwede ka ring gumawa ng baking soda paste sa pamamagitan ng paghalo ng isang kutsarang baking soda at katiting na tubig. Ipahid ito direkta sa gilagid o gamiting toothpaste. Magmumog ng tubig pagkatapos.
 
3. Agua Oxigenada o Hydrogen Peroxide
PAGDUGO NG NGIPIN AT GILAGID: Ano Gamot sa pamamaga ng gilagid o Gingivitis?
Karaniwang ginagamit na panglinis ng sugat, inirerekomenda ito ng mga dentista dahil kaya nitong tanggalin ang plaque. Tinitigil din nito ang pagdurugo ng gilagid at itinataguyod ang muling pag-tubo nito. Gaya ng baking soda, nagpapaputi rin ito ng ngipin.
Wastong Paghanda at Pag-gamit
Pwedeng ihalo ang isang kutsara ng Agua Oxigenada sa tubig at gamiting pangmumog. Kung gusto mo namang mas mabilis ang pag-galing ng iyong gilagid, mag-mumog ng 1/8 na tasa nito pagkatapos mag-sipilyo. Huwag na huwag mong lulunukin ang solusyong ito. 
 
4. Green Tea

Ang inuming ito ay mayroong ‘antioxidants’ na kumokontra sa pamamaga ng iba’t ibang parte ng katawan kaya makakapagpagaling din ito ng Gingivitis. Ito rin ay naglalaman ng ‘polyphenols’ na nagpapatigil ng paglaganap ng mikrobyo sa bunganga. Karamihan ng supermarkets o grocery ngayon ay nagbebenta ng Green Tea.
Wastong Paghanda at Pag-gamit
Isawsaw ang tea bag sa isang tasa ng mainit na tubig. Maghintay ng mga isang minuto bago inumin. Kayang makapagtimpla ng 2-3 tasa ng tsaa ang isang tea bag. Mas mabuting huwag na magdagdag ng asukal sa iyong tsaa dahil nakakapa-lala ito sa Gingivitis.
 
5. Herbal Mouthwash
Kumpara sa commercial mouthwash na mabibili mo sa supermarkets, mas mainam gumamit ng herbal mouthwashes. Ang mga ito may mura, tunay na natural at mabisa.
Sage o Sambong
Pinapaginhawa nito ang namamagang gilagid, pumapatay ito ng mikrobyo sa bunganga at pinipigilan nito ang pamumuo ng plaque. Maglagay ng isang kutsarita ng tuyong Sambong sa 2 tasa ng kumukulong tubig. Isala, palamigin at gamiting mouthwash matapos mag-sipilyo.
 
Lemongrass o Tanglad
Ang langis ng Tanglad ay napatunayan na kayang magtanggal ng plaque sa ipin. Magdagdag ng dalawang patak ng langis nito sa isang basong tubig at gamiting pang-mumog.
 
Guava o Bayabas
Ginagamit na disinfectant sa pagtutuli at kahi’t sa panganganak, epektibo rin ang Bayabas laban sa Gingivitis. Kusutin ang 5-6 batang dahon ng Bayabas at ilagay sa isang tasang kumukulong tubig. Magdagdag ng asin. Isala, palamigin at gamiting mouthwash.
 
Tea Tree Oil
Dahil din sa taglay nitong ‘antioxidants’, kayang tigilin ng Tea Tree Oil ang pamamaga at pagdurugo ng gilagid. Maglagay ng hanggang tatlong patak ng langis sa isang baso ng tubig at gamiting mouthwash. Makakbili ng tea tree oil sa mga botika o online stores.
 
6. Oil Pulling

Ginagamit na sa ‘Ayurveda’ ng libu-libong taon at napatunayang epektibo ng Siyensya ngayon, ang Oil Pulling ay isang paraan para maibsan ang sintomas ng Gingivitis. Kumpara sa mabilisang pag-mumog, kailangang mas matagal na nasa bunganga ang langis upang mahila nito ang mga bakterya na nakasiksik sa ipin at gilagid.

Wastong Paghanda at Pag-gamit
Magsubo ng 2-3 kutsara ng lana o coconut oil. Bahagyang imumog ito ng mga 10-15 minuto. Magsipilyo matapos mo itong madura para matanggal ang mamantikang pakiramdam sa bunganga.
 
7. Herbal Toothpaste
Kahit na maraming brand ng toothpaste na nangangakong may natural na sangkap, makakabuting gumamit ng halamang gamot sa pagsisipilyo.

Turmeric o Luyang Dilaw

Nakagawiang pampalasa sa mga ulam, naging patok ito dahil sa sangkatutak na benepisyong dala nito sa kalusugan. Para maibsan ang Gingivitis, maghalo ng katiting na tubig sa isang kutsarang Turmeric powder at gawing paste. Ipahid sa gilagid gamit ang iyong hintuturo. Mag-mumog ng tubig pagkatapos.  

Aloe Vera

Malimit na gamitin sa buhok bilang shampoo at sa balat bilang moisturizer, napatunayang epektibo rin ito laban sa Gingivitis. Balatan ang Aloe Vera at kayurin ang puting laman. Gaya ng Turmeric paste, maaaring ipahid ito direkta sa gilagid.
 
Sa unang tingin, parang matrabaho ang karamihan sa mga payo na nailista. Pero hindi dapat katamaran ang pag-aalaga sa ating mga ngipin, lalo na ang ating gilagid. Tandaan mo rin ang iba pang mga tips tulad ng mas regular na pag-floss, pagpalit ng sipilyo matapos ng tatlong buwan, pag-iwas sa paninigarilyo, atbp. Pero ang pinaka-mahalaga sa lahat, huwag na huwag kakaligtaang mag-sipilyo ng tatlong beses sa isang araw.
 
“Mag-sipilyo ng tatlong beses sa isang araw” ay mga katagang palagi nating naririnig mula sa mga dentista o sa mga patalastas sa radyo’t telebisyon. Napaka-importante talaga ng payong ito ngunit bihira tayong makarinig ng payo ukol sa pag-aalaga ng ating mga gilagid o gums.

About the author

Medical Team

Our medical team verify the medical accuracy of the articles you read on our site. U.S. trained General Practice Family Doctor. Has additional qualifications in ultrasound, emergency medicine, and traumatology.
Profession: Family Medicine
Private practice
United States , California , San Francisco
 

 

The medical information contained in this section is not intended for treatment or prescription. It is used to complement, not replace, the communication between a patient and their physician. Reliance on any information provided by BuhayOFW or any medical experts is solely at your own risk. If you have a medical emergency, call your doctor or go to the hospital immediately. BuhayOFW's Medical Review Board is a team of board-certified doctors who ensure our content is medically accurate and reflects the latest in health information. Our experienced board of medical professionals verify that our content is thorough and all-inclusive, in order that you can trust the information you read here will help you through improvements in your health journey—whether that’s for yourself or for a loved one.

 

Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)