Pareho naming first time kaya kinakabahan kami pareho. Hindi ko naman naiputok sa loob, sa labas po lahat. Tsaka dahil first time medyo nag aalangan kami pareho. Halos di ganun naglabas pasok.
Pahelp naman po, early signs ba yun ng preggy? Thankyou, tsaka malaki ba sign na buntis siya?
Bakit po kaya parang humihilab or kinakabag yung gf ilang days after namin mag sex, December 19 last mens niya January2 kami nag sex?

Medical History
Maraming pwedeng maging dahilan ang hilab ng tiyan at kabag, tulad ng hyperacidity at iba pa. Yung pagputok sa labas o withdrawl method ay hindi pektibo ayon sa World Health Organization. Ito ay dahil sa preejaculation period, kung saan bago pa tuluyang labasan ang isang lalaki ay mayroon nang mga nauunang lumabas dito na sperm habang nagtatalik. Mas mabuting gumamit ng condom sa tamang paraan upang maiwasan ang hindi inaasahang pagbubuntis. Maaari ringmagsagawa ng pregnamncy test 2-3 weeks matapos ang huling pagtatalik upang malaman o makasiguro kung buntis ba o hindi.
Maaari rin gumamit ang babae ng kontraseptibo na pwede sa kanya upang maiwasan ang hindi inaaasahang pagbubuntis lalo kung sexually active. Pumunta sa pinakamalapit na health center upang humingi ng payo tungkol dito.