PAMAHIIN NG HAGDAN AT BENEPISYO SA KATAWAN

Winston Guo
is a Astrologer, Fortune Teller in the Philippines

Nakaka-aliw malaman ang mga pamahiin sa hagdan, kahit na ngayong modernong mundo na laganap ang teknolohiya.
Ngunit kahit hindi ka man mapamahiin, magugulat ka na may mga pamahiin na maaaring sinunod ng kahit mga propesyonal na tao, tulad ng mga arkitekto sa pagtayo ng bahay, para lang maiwasan ang malas. Halimbawa, ang pamahiin tungkol sa bilang ng baiting ng hagdan. Alamin mo kung nasunod ba itong pamahiin sa iyong bahay o bahay ng iyong kaibigan o kakilala.  
 
Oro plata, mata - Ayon sa paniniwala mula sa mga Kastila, ang Oro ay ginto, ang Plata ay Pilak o Silver at ang Mata ay kamatayan. Habang umaakyat ng hagdan, kailangan mong bigkasin ang bawat salita. Halimbawa, Oro sa unang baitang, Plata sa pangalawang baitang, at Mata sa pangatlo. Pagkatapos ay uulit-ulitin ang Oro, Plata, Mata hanggang sa huling baiting o sa sunod na palapag. Kumbaga, parang nagbilang ng 1, 2, 3 ng paulit ulit hangang sa umabot sa taas. Pag tuntong ng sunod na palapag, pinaka-maganda kung Oro ang huling bilang ng baitang. Pwede rin kapag Plata ang nabigkas. Ngunit malas daw kapag ‘Mata’ ang naging huling baitang.
 
Narito pa ang ibang pamahiin tungkol sa hagdan:
1.     Di dapat nakatapat ang hagdan sa pangunahing pintuan
2.     Wag maglagay ng salamin o mirror sa tapat ng hagdan.
3.     Swerte kapag maliwanag o may ilaw ang hagdan.
4.     Kapag may sira ang baitang ng hagdanan, ipaayos kaagad
 
Di ka man naniniwala, nakaka-wiling malaman kung sinunod ba ito ng arkitekto sa bahay. Isa pa, maraming benepisyo ang pag-akyat ng hagdan sa ating kalusugan.
-       Una, nakakatulong ito sa puso at baga, at sa pagdaloy ng dugo.
-       Pangalawa, napapababa nito ang tsansang magka- altapresyon at diabetes
-       Pangatlo, nakakapagpatibay ito ng resistensya ng katawan upang malabanan mga sakit
-       Pangapat, nakakapagpatibay ito ng mga buto
-       At ang panghuli, nakakasunog ito ng taba sa katawan, at nakakatulong sa pagkontrol ng timbang.

About the author

Winston Guo

Profession: Astrologer, Fortune Teller
Philippines , NCR , Quezon City

 

Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)
The medical information contained in this section is not intended for treatment or prescription. It is used to complement, not replace, the communication between a patient and their physician. Reliance on any information provided by BuhayOFW or any medical experts is solely at your own risk. If you have a medical emergency, call your doctor or go to the hospital immediately. BuhayOFW's Medical Review Board is a team of board-certified doctors who ensure our content is medically accurate and reflects the latest in health information. Our experienced board of medical professionals verify that our content is thorough and all-inclusive, in order that you can trust the information you read here will help you through improvements in your health journey—whether that’s for yourself or for a loved one.

Disclaimer: The materials on the Buhay OFW Website are for general information purposes only and should not be construed as religious advice, spiritual advice, opinion or any other advice on any specific facts or circumstances. Readers should not act or refrain from acting upon this information without seeking professional advice. Transmission of information on or by use of this Website is not intended to create, and receipt does not constitute, a client relationship between the sender and receiver. Photographs and other graphics used on this website may be for dramatization purposes only, and may include models or stock photos. Likenesses do not necessarily imply current client, membership, partnership or employee status.