Panaginip Na Cementeryo ?

Michelle Duarte
is a Graphic Artist in the Philippines

Nanaginip po ako na Kasama ko daw po yung kaibigan ko . Naglalakad daw po kami tapos Nakita ko daw po yung ex ko Tapos nandun daw yung mga classmate niya inaasar daw siya sa akin tapos umalis na daw kami ng kaibigan ko dinaan niya daw ako sa isang iskinita . tapos ang kinalabasam daw ng daan namin Isang cementeryo na isa lang ang Daan . maganda yunh cementeryo Maayos yung mga puntod tapos mitsyo ng Cementeryo kulay blue pa nga yung natandaan kong kulay . tapos sa Dulo daw po ng Paglalakad namin nay nakita kaming Parang dead end ng Daan .. tapos isang dapat lang gawin ay ang Maglambitin sa Lubid para makaakyat sa itaas .. Tapos tinatanung ko yung kaibigan ko anong dapat naming gawin sabi niya ako bahala alam ko to tapos maya maya may nakita akong Anino ng ahas na para bang Tutuklawin kaming dalawa . pero yung kaibigan ko yung Tinuklaw ng ahas at ang sabi daw ng ahas  Alam mona kung kung dapat nyong gawin . tapos yung kaibigan ko Biglang sinabeng dalian mo umakyat na tayo . Pagkita ko sa mga Lubid na nakaSabit .. Biglang naging ahas na itim na patay na mga 4 o 5 yyung ahas . Tapos yung yung kaibigan ko Biglang sinabe dalian mo kailangan na naten makaakyat . yung kaibigan ko daw mabilis na nakaakyat ako daw po hirap na hirap kasi sa katabaan ng Katawan ko . Tapos nung nakaakyat na po ako bigla po akong nagising .. 

 

Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)
Winston Guo
is a Astrologer, Fortune Teller in the Philippines
Kung ang napanaginipan mo na ex ay ang latest ex mo maaari na gusto ng utak mong makalimot. Halimbawa, kung ang paghihiwalay niyo ba ay hindi maganda o di kaya ay masaya ka sa nangyari sa inyo. Maaari nagpapahiwatig na may galit pa sa puso mo o nangangarap na magkabalikan kayo. O pagkaramdam ng guilt dahil ikaw ang may mali.
Sa kabuuan ang panaginip mo ay maaari sumisimbolo ng iyong nararamdaman sa totoong buhay, mga sari-saring emosyon gaya ng galit, lungkot at takot sa dibdib.
Recommend Reply Report abuse
Michelle Duarte
is a Graphic Artist in the Philippines
Palagi Ko Na Lang po siya Napapanaginipan tulad kagabi.. nanaginip Nanaman po ako na Kasama ko siya sa isang bahay na parang gusto kong maging maayos kami tapos ok naman sa mga kamag anak niya tapos biglang dumating yung asawa ko ngayon Binugbog siya sa Takot kong wag na siyang Saktan sumama na lang ako ulit sa Asawa ko . pero tumakas nanaman daw ako . Sumama ulit sa kanya tapos pamilya at yung asawa kona daw ang sumundo sa akin . tapos ang sinakyan naming sasakyan ay truck na napakalaki tapos ang sikip ng dinaanan namin . tapos yun nawala na ..

Disclaimer: The materials on the Buhay OFW Website are for general information purposes only and should not be construed as religious advice, spiritual advice, opinion or any other advice on any specific facts or circumstances. Readers should not act or refrain from acting upon this information without seeking professional advice. Transmission of information on or by use of this Website is not intended to create, and receipt does not constitute, a client relationship between the sender and receiver. Photographs and other graphics used on this website may be for dramatization purposes only, and may include models or stock photos. Likenesses do not necessarily imply current client, membership, partnership or employee status.