Panaginip na may humahabol sayo at gusto ka patayin?

Kalim Miya
is a Receptionist in Qatar

Nasa isang  compound daw po kami ng bf ko. ang set up ay parang nasa bar. All dark. then yung pwesto namon ng jowa ay pedeng pwede kami mag momol. Nas akalagitnaan kami ng lambingan ng may isang lalaking pumasok. Maliit siya at armado. may kasama siyang 2 laalki sa likod niya na nakakatakot din.

doon sila pumwesto sa harapan namin. mga 4 mtrs away.. then suddenly.. lahat ng tao pumasok sa loob. nasaksihan namin yung pagpatay niya sa 2 lalaki. May tama ata siya sa utak dahil isa isa nnia ring pinatay yung mga tao sa room. ng maitutok kia ang baril sa amin. nagtago kami sa mga tao na nasa harap namin.


then, ng malaman niyang buhay pa kami ng bf ko. kumuha siya ng 5 mucho. mistulang timer niabun bago kami patayin. 

tumakas at tumakbo kami ng bf ko. 
narating namin bahay ng ate ko. ngunit sira na ang glassdoor pagdating ko. so nabuksan ko agad yung knob. 

nagjahiwalay kami ng bf ko. hinahanap ko ang mga ate ko. may nabnabuksan akong secret door.  nagstay ako sa pasilyo kung ssaan kita ko ang nasa labas na area ng wall. sinabihan ako ng ate ko na pumasok sa secret room. ngunit sabi ko hhanapin ko bf ko. 

sinara na nila yung secret room  i was left outside the hidden area.. 

narinig kong kumaluskos st boses ng bf ko. sa garden. lalabas na sana ko para puntahan siya ngunit kumalabog yung main door. anjan na yung killer.


nalaman kong architech pala siya. so alam nnia yung design ng bahay.  kitang kita ko kung paano niya tinutukan ng baril ang hita ko from outside ng glass wall. medyo tinted yun. kaya d ako kita sa loob. 

pero parang alam niya n andun ako. unti unti naitutok niya yun sa mukha ko.


headshot sana ko . kaso nagising ako.

 

Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)
Winston Guo
is a Astrologer, Fortune Teller in the Philippines
Ang pagkakaroon ng panaginip na may gustong pumatay sayo ay hindi nangangahulugan na ikaw ay mamatay o ang isang tao ay mamamatay. Kailangan lamang ng pagbabago sa buhay mo, ito ay maaaring gusto mong baguhin o maaaring kinakailangan mabago kahit na ayaw mo.

Sumisimbolo din ito ng takot para sa bagong yugto ng buhay mo na malamang ay hindi mo pwedeng iwasan. Halimbawa, mangibang bansa para magtrabaho. Ito ay isang malaking desisyon sa buhay na kailangan ng sakripisyo, ngunit makakatulong ng malaki sa pinansyal.

In short, ang pagkakaroon ng panaginip na may humahabol at gusto kang patayin ay maaari simbolo ito ng takot na iyong nararamdaman sa totoong buhay.
Recommend Reply Report abuse

Disclaimer: The materials on the Buhay OFW Website are for general information purposes only and should not be construed as religious advice, spiritual advice, opinion or any other advice on any specific facts or circumstances. Readers should not act or refrain from acting upon this information without seeking professional advice. Transmission of information on or by use of this Website is not intended to create, and receipt does not constitute, a client relationship between the sender and receiver. Photographs and other graphics used on this website may be for dramatization purposes only, and may include models or stock photos. Likenesses do not necessarily imply current client, membership, partnership or employee status.