Taong 2013 ng tinuldukan nina Derek at Angelica ang kanilang relasyon pagkatapos ng anim na taon. Ayon sa aktres naghiwalay sila ng ex-boyfriend niya sa pamamagitan ng telopono lamang. Nang oras na iyon nasa bakasyon si Derek Ramsey sa Boracay, nagkaroon sila ng matinding pagtatalo at bigla tinanong siya ni Derek kung ano ba ng nararamdaman niya sa actor. At ayon sa dalaga sinagot nya ang dating kasintahan na “wala na siyang naramdaman” at ang naging tugon ni Derek ay “Its Over”. Pagkatapos non ay hinakot na ni Angel ang kanyang mga gamit sa bahay ni Derek kung saan sila ay nagsasama. Nang malaman daw ni Derek na umalis siya, agad siya nitong tinawagan at sinabihan ng “Lets Fix This”. Ngunit naging buo na ang desisyon ng dalaga na hiwalayan noon si Derek. Unang dahilan kung bakit daw hiniwalayan niya ang actor dahil sa pagkokontrol nito sa kanya. Pangalawa, dahil ito ay kasal na. At ang pangatlo, hindi pagsuporta nito sa paghahanap niya sa kanyang totoong tatay. Kaya masasabi nilang hindi nagging maganda ang kanilang paghihiwalay.
Nang naging magkasintahan na si Angelica at John Lloyd Cruz, nagbago na ng cellphone number ang dalaga at naka-unfollow na siya kay Derek sa social media. Ilang beses sinubukan ni Derek Ramsey na kausapin ang aktres ngunit umiwas ito.
Taong 2016 nagulat ang karamihan ng naghiwalay sina Lloydie at Angelica. Inamin ng manager ni Lloydie na si Ogie Diaz na hiwalay na ang dalawa at pati mismo si John Lloyd ay umaming wala na sila ng aktres. At pinabulaanan ng actor na may relasyon sila ni Bea, ayon pa sa binata magkaibigan lamang sila.
Disyembre 7, 2015 ayon sa aktor na si Derek Ramsey laking gulat niya ng may nag-text sa kanya at bumati ng Happy Birthday. Dahil hindi naka-save ang numero tinanong niya kung sino ito. Ayon pa sa aktor agad siyang tumawag ng malaman na si Angelica at doon pa lamang sila nag-usap ulit pagkatapos ng kanilang paghihiwalay. Sobrang touch daw ang actor na mismong ang ex-girlfriend niya pa mismo ang gumawa ng paraan upang magkausap sila ulit. Ayon sa aktor matagal niya nang pinagdasal na magkaayos sila at maging magkaibigan dahil 6 years is 6 years nga daw.
Pagkatapos ng kanilang pag-uusap sa telopono naka-follow na si Angelica kay Derek sa Instagram account nito. At nag-follow back din ang aktor.