Ara Mina at Patrick Meneses, Hiwalay na?
Sinabi na ni Ara na hiwalay na sila ng ama ng kanyang anak, nine months na silang hiwalay at nine months na din silang hindi nagsasama, siya naman daw ang umalis. Wala naman daw sila pinag-awayan at magkaibigan pa rin sila. Magkasama naman sila sa espesyal na araw, tulad ng Pasko at Bagong Taon. Naguguluhan nga si Ara kung ano nga daw talaga, kasi okey naman sila, nag-popost pa nga siya na magkasama sila. Nagsabi daw sa kanya noon si Patrick na, okey lang kung may manligaw kay Ara. Gusto niya pa daw sana mabigyan ng kapatid ang anak niyang si Amanda, dahil gusto niya pa rin si Patrick lang ang maging ama sa mga anak niya.
Handa pa rin si Ara bigyan ng last chance ang relationship nila ni Patrick kung gusto niya. Hindi na rin alam kung anu ang plano sa kanya ni Patrick. Importante daw nalagpasan nila ang hindi magandang nakaraan bilang romantic couple noon.