Malakas sa mga manonood ang teleserye tuwing gabi na pinamamagatan Probinsyano, na pinapalabas ng Abs-cbn. Lahat ay nakaabang sa mga aksyon na pinagbibidahan ni Coco Martin. Naging usap-usapan ng mga estudyante, kalye at maging aa trabaho.
Ngunit laking gulat ng mga manonood ang biglaang pagpapakasal ng character na si Carmen kay Joaquin. Mas lalong nainis ang mga tao sa pagiging sunod-sunuran ni Carmen sa asawa.
Luzon, Visayas, at Mindanao ay nagsalita sa social media. Ayon sa iba hindi na maintindihan ang papel na ginagampanan ni Carmen kung ito ba ay nagtatanga-tangahan at nagiging robot. Simula noon marami na ang hindi nanonood ng Probinsyano. Ang dating inaabangan ay iniiwasan na sa ngayon.