Naalala natin noon ng biglang nagpaalam ang aktres sa kanyang huling teleserye na Ningning. Siya ang ina ni Ningning sa palabas, at laking gulat ng karamihan ng bigla namatay ang kanyang karakter sa kadahilanang buntis ito.
Masaya ang bisayang aktres at proud na nagp-post sa Instagram ng nude picture, na hindi na din bago sa panahon ngayon. Marami na din ang mga artistang buntis nagpapapicture ng sexy image na labas ang tiyan. Sa post niya sa Instagram may caption ang mommy to be “Loving the changes with my body and in my life, a good kinda fat I’m told so in a happy place I truly am..? So blessed to be with the one we love, our little blueberry? So grateful for all the love and support from all of you, from the girl I was, to the woman I am, and for the mother I will be.”
Kasalukuyang nagbabakasyon si Beauty kasama ang kanyang non-showbiz boyfriend sa Europa. At ayon sa aktres manganganak siya sa darating na Oktobre.