February 14, 2016 ang lahat ay abala at kasama ang mga mahal sa buhay dahil ito ay araw ng mga puso o Valentines Day.
Isa sa mga kilala at paboritong pasyalan ang Megamall na matatagpuan sa boundary ng Pasig at Mandaluyong. Nang February 14, 2016 araw ng Linggo dakong alas syete (7:00PM) ng magimbal ang mga tao sa nangyari.. May isang babae na nagpakamatay diumano sa Megamall Building B, sa pinakagitna ng mall kung saan may raillings ito. Ayon sa mga nakakita nahulog ang babae na nakasuot ng kulay berdeng damit at short mula sa 5fth floor patungong groundfloor. Ang nasabing babae ay tantiyang mahigit bente anyos pa lamang, ito ay isang tomboy.
Ayon nakakita si Guanzon ay naglalakad mag-isa habang may kausap sa telepono at pagkatapos nito ibaba ang telepono ay sumampa na siya sa rehas at agad na tumalon.
May mga nakakita din daw sa babae na nasa 3rd floor habang kasamang nakikipagtawanan sa mga kasama. Nagmamalaki daw itong umupo sa railings malapit sa elevator para ipakita niya sa mga kasama kung gaano siya katapang, ngunit sa kasamaang palad ay nawalan siya ng balance at diri-diretsong nahulog. Lahat ng mga nakakita ay nagulat at na-shocked sa nasaksihang trahedya.
May nakapagsabi din na nakita nila nangyari na nagbibida-bidahan ang babae sa mga kasama niya. Pagkatapos umupo siya sa may raillings sabay sigaw ng walang forever. At nahulog siya mula sa thirdfloor hanggang groundfloor.
Ayon naman sa iba andon sila sa lugar ng pinangyarihan, medyo nakakadismaya lang daw ang mga gwardiya kasi ang bagal nilang kumilos. Ang tagal bago nila nilapitan ang babaeng nakadapa at wala ng buhay. Sana man lang daw pinulsuhan man lamang nila kung buhay pa ba ito o patay na.
Dinala sa Medical Center si Guanzon ngunit deadon arrival na ito. Nagbigay ng official statement ang Senior Vice President na si Steve Tan na agad dinala sa ospital ng mga empleyado ng SM ang biktima. Ayon pa dito iniimbestigahan na ang tunay na pangyayari sa biktima.
Maraming tao nagsasabi na kung anuman ang rason ng biktima hindi ito sapat para putulin niya ang kanyang buhay. Ayon sa iba ang SM ay hindi ibig sabihin nito ay SUICIDE MALL.