Ayon sa pinakahuling post ng MMFF sa Metro Manila Film Festival (MMFF) Official Facebook page ng 11-day gross earnings mula December 25, 2015 hanggang January 4, 2016. Sa ngayon at umaabot na sa P949 million ang kinita ng mga pelikulang kasali sa festival at binanggit din ang 4 na top-grossing films, My Bebe Love, Beauty and the Bestie, Haunted Mansion at #WalangForever (in no particular order daw).
Nauna nang ibinalita ng ABS-CBN na number 1 ang Beauty and the Bestie at siyempre, hindi ito basta bastang tatanggapin ng Aldub Nation na naniniwalang nangunguna ang kanilang mga idolo sa takilya. Nakakapagtaka naman kasi na hindi na lang ilabas nang MMFF ang actual earnings. Kung nakuhang malaman ang kinita ng lahat ng pelikula, eh bakit hindi pa sabihin kung sino ang tunay na nanguna? May mga ibang Facebook comments din mula sa fans na nagsasabing may pagka-bias ang posts ng MMFF dahil maski pa sabihin na in no particular order, eh palaging nasa unahan ang My Bebe Love sa listahan. Hindi naman alphabetical order ang pagkakasulat. So, ano kayang basehan?
Malaki ang chance na tunay ngang Beauty and the Bestie ang nanguna sa MMFF earnings ngayong taon lalo na’t kung isasama sa bilangan ang mga nanood sa ibang bansa. Ngunit, wag natin i-underestimate ang power ng Aldub Nation dahil tunay ngang napatunayan na nila ang kanilang walang sawang suporta kay Yaya Dub Maine Mendoza at Alden Richards.
Ang tanong na lang siguro ngayon, kakayanin kaya i-break ang record last year na umabot sa P1 bilyon ang MMFF earnings? Maski pa umani ng katakot-takot na batikos at pangungutya ang MMFF 2015, nakita pa din natin ang suporta ng mga tao sa pelikulang Pilipino. Sa ngayon, abangan na lang natin ang final results ng gross earnings pag natapos na ang mga palabas.
Photo credit: Screenshot from Metro Manila Film Festival (MMFF) Official Facebook Page