I am badly in need of advice here. Nakabili po ng lupa yung Mama ko. Mayroon na pong deed of sale na naka pangalan na sa kanya.
Noong nasa abroad pa po si Mama sa kapatid niya po ipina ubaya ang lahat pati na po ang Deed of Sale ng lupa na nabili nya po. Ito pong kapatid ni Mama ang pinagkakatiwalaan niya sa lahat. Kaso po nag away sila at gusto pong bawiin ni Mama yung ipinahawak nya na Deed of Sale ng lupa. Kaso po hindi nya daw po ibibigay. Tapos nito pong huli ang sabi na naman niya na wala daw sa kanya eh sayang lang naman ang may hawak non.
Ano po ba ang dapit namin gawin para mapa sa amin na po yon nang hindi na umabot pa sa dimandahahan po. Kasi dagdag gastos na naman po kasi iyon. Saan po kami lalapit para dito or sino po ba ang may copy pa nang dded of sale na iyon??