Taong 2016 sabay na nag-asawa ang magpinsang buo na sina Isabelle Daza at Georgina Wilson. Sa hindi pa nakakaalam magpinsang buo ang dalawang nagagandahang model-aktres dahil magkapatid ang ina ni Georgina at ina ni Isabelle.
Noong Abril ikinasal si Georgina samantalang ngayong Setyembre 10 naman si Isabelle, 27 taon gulang at si Adrien 35 taong gulang. Sa simbahang Katolika sa Tuscany Italy gaganapin ang kanilang kasal. Si Adrien ay isang country manager ng Adidas dito sa Pilipinas na pumuntang taong 2008 at noong taon ding iyon nagkakilala ang silang dalawa ni Isabelle.
Kwento ni Isabelle nangyari ang proposal sa Cappadocia, Turkey. Halos ng araw daw na iyon walang nakain ang kasintahan, hinala ng dalaga sa kabang nararamdaman. Ayon pa sa dalaga hindi siya aalis ng showbiz at balak nilang sa Pilipinas na maninirahan pagkatapos ng kasal.
Bago pumunta ng Italy, nagbigay ng party si Daza sa kanyang mga kaibigan at pamilya ng bachelorette party sa sunny Bali, Indonesia ng nakaraang buwan. Kasalukuyang abala ang dalawa para sa paghahanda ng kanilang nalalapit na kasal.
Itong taon nag-asawa pareho ang mga magkakaibigang Solenn, Georgina at Isabelle. Ang tanong ng nakakarami susunod na kaya si Anne Curtis sa kanyang tatlong kaibigan??