Kung ikaw ay isang commuter araw-araw, aba! Kailangan mong mag-ingat dahil hindi mo kilala ang mga taong nakakasalubong, nakakaharap at nakakasabay sa pampasaherong dyip, bus at iba pa.
Isang madaling araw sumakay ako ng dyip. Lahat ng pasahero nakatitig sa akin. Walang umiimik. Kinakabahan man ako, hindi ko na lang pinahalata at hindi na lang ako bumaba. Sanay akong magbayad sad yip pagkasakay na pagkasakay ko, inabot ko ang pera ko at nagsabi.
“Kuya, bayad po sa may Pasig Palengke lang”.
Ngunit lahat nakatitig lang sa direksiyon ko, ni walang nag-abot ng bayad ko. Napansin ko ang kaharap ko na lalaki bumulong sa kanyang katabi na tantiya ko ay kanyang asawa. Halo-halo ang nararamdaman ko ng oras na iyon, inis, takot at pagtataka.
Dahil pagod ako sa trabaho at ayaw ko ng bumaba at pumila pa doon sa paradahan ng dyip ang sobrang haba, nilakasan ko na lang ang loob ko at nagsabi. “Pakiabot po ng bayad ko”.
Lahat nakatitig lang sa akin, maya-maya may isang matandang lalaking umusog papunta sa akin at bumulong.
“Hindi kana dapat sumakay dito, bumaba kana habang hindi pa nakakaalis itong dyip. Kung hindi magsisisi ka na sumakay kappa dito. Hindi kana makakauwi sa inyo.”
Nanindig ang mga balahibo ko at pinagpawisan ako. Ganoon pala ang pakiramdam kapag alam mong nasa alanganin kana.
Kahit takot na takot na ako, nagtanong pa din ako sa matanda. “ Tatang, ano po ang ibig niyong sabihin?”
Matagal bago siya sumagot, mayamaya sumagot siya.
.
.
.
.
.
.
.
“INARKILA NAMIN TO. MAG-NIGHT SWIMMING KAMI SA SUBIC.”
Pakibasa sa iba para makaganti ka din…HEHEHEHE