JC De Vera at Jessy Mendiola, Nagkakamabutihan Na Nga Ba?

Marie Cruz
is a Writer in United States

Nasa nature na siguro talaga nating mga Pinoy na bigyan ng kulay ang pagtatambal ng mga artista on-screen. Madalas natin ine-expect na basta magka-love team, kailangan magkatuluyan din in real life. Minsan naman, ang mga networks mismo ang gumagawa ng paraan para maging sweet maging off-cam ang mga love team na ito. Minsan, parang OA na at hindi na makakatotohanan. Ngunit mukhang medyo totoo na ang dating ng isa sa mga pinakabago at mainit na love team ngayon mula sa ABS-CBN: ang tambalan ni JC De Vera at Jessy Mendiola.


Kasalukuyang bahagi ng teleseryeng “You’re My Home”, bali-balita na hindi lang on-screen ang kilig sa pagitan ng aktor at aktres. Sabi nga nila, malabong hindi magka-developan ang dalawang love team lalo’t malaki ang posibilidad na madala sila sa kanilang mga eksena. Usap-usapan ng mga netizens ngayon na talaga nga naman naguumapaw ang chemistry ni JC at Jessy at mukhang totohanan na nga yata.


Ayon sa isang source, minsang nakita na si JC at Jessy na magkasama sa isang high-end mall/park at mukha ngang may pagka-sweet ang dalawa. Nauna na ding nakita na pag pasok ng taon ay nag-post si Jessy ng kanyang litrato sa Instagram with the following caption: Pasabog 2016. Thank you. ☺️❤️☺️ #lalonakonamula #moisturizerpamore (Photo credit: senorita_jessy)



Posible nga bang kay JC galing ang mga bulaklak na yan? Posible nga at bakit naman hindi? Parehas naman silang single; ngunit “ready to mingle” na ba talaga si Jessy?


Maaalalang nagkabalikan si Jessy at ang kanyang dating nobyo na si JM De Guzman noong nakaraang taon. Matapos ang isang kontrobersya na kinasangkutan ni Jessy na naganap umano sa eroplano kasama ang isa pang sikat na aktor, nag-iba na ang dating ni JM. Ang kanyang mga pinopost sa kanyang Instagram account ay talaga namang ikinabahala ng kanyang mga fans. Ang sabi pa ng mga netizens, si Jessy daw ang “jinx” kay JM dahil sa tuwing magkasama sila, bumabagsak daw ang career ni JM. Diba’t talaga namang naging successful ang That Thing Called Tadhana at matapos nun ay nagkabalikan si JM at Jessy. Nagkaroon pa ng teleserye si JM. Pero naglaho ang magandang karera nya ng biglaan at tuluyan na nga silang naghiwalay. Noong Nobyembre 2015 kinumpirma ni Jessy ang nasabing hiwalayan. Sa ngayon, sabi nila posibleng “nagpapagaling” ulit si JM pero wala tayong pruweba dito sa ngayon maliban na lamang sa kanyang absence sa social media for almost 2 months now.



Mabalik tayo kay JC De Vera. As early as 2014 ay natsi-tsismis na si JC at Jessy. Noong March 2014 pa lang ay nainterview na ng Buzz ng Bayan si JC De Vera at dineny niya ang nasabing tsismis dahil busy siya. Hindi daw muna siya makikipag-date at sabi niya, “Ayaw ko naman na yung babae pinaghihintay tapos hindi binibigyan ng time.” (Source: http:/rp2.abs-cbnnews.com/entertainment/03/31/14/jc-de-vera-denies-dating-jessy-mendiola) Sakto naman at magkasama sila ni Jessy sa soap at definitely, mabibigyan niya ito ng time. Maaring may relasyon na nga si JC at Jessy ngunit malabong umamin ito lalo na’t saglit pa lang mula nang maghiwalay sila ni JM. Hindi pa umaabot sa “three-month rule”! May posibilidad din na nagkakamabutihan pa lamang sila o talagang purely promo lang ng network ito bilang kailangan talaga ng gimik para tumaas ang ratings ng You’re My Home.

 

May we ask for a small favor?

Unlike others, we don't charge users fees for asking questions from our medical, legal and other experts. This is because we want to keep our services free and accessible to all, regardless of social or financial status.

But it's difficult and expensive work. While more underserved Filipinos are using BuhayOFW, none are paying for it. And advertising revenues are minimal. Nevertheless, we have costs like any other top site: servers, power, rent, programs, staff, medical/legal experts, etc. We take no government funds; we run on donations.

So if you value our work in helping less fortunate Filipino friends, then become a Supporter and help make our future more secure. Help us continue our work.

Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)

Buhay OFW provides news and opinion articles as a service to our readers.  Often these articles come from sources outside of our organization.  Where possible, the author and the source are documented within each article.  Statements and opinions expressed in these articles are solely those of the author or authors and may or may not be shared by the staff and management of Buhay OFW. 

Your access to, and use of, this site is subject to the Terms of Use and all applicable laws and regulations. By accessing and using the site, you accept, without limitation or qualification, these Terms of Use, and acknowledge that any other agreements between you and Buhay OFW are superseded with respect to this subject matter. If you do not agree and accept, without limitation or qualification, these Terms of Use please exit the site.