Katauhan ni Coco Martin tuwing dumadalo sa Itim na Nazareno sa Quiapo Deboto ng black Nazarene
Hindi lingid sa atin lahat na milyon milyong mga deboto ng Itim na Nazareno ang pumupunta sa Quiapo tuwing unang linggo (first week) ng Enero. Milyon-milyong tao ang nais na makahaplos o makahawak sa estatwa ng Nazareno. Maraming mga artista, sikat na fashion designer ang deboto nito dahil sa mga imposibleng hiling na natutupad.
Isa sa mga pumupunta sa Quiapo upang saksihan ang araw ng Itim na Nazareno at handang makipagsiksikan ay ang sikat na actor na napapanood natin gabi gabi sa Probinsyano, walang iba kundi si Coco Martin.
Ayon sa binata matagal na siyang pumupunta sa Quiapo tuwing January upang personal na saksihan ang parada ng Black Nazarene. Naikwento niya ang unang sampa niya sa karo ng Itim na Nazareno, kahit hirap at siksikan pinilit niyang makalapit. Itutulak sana siya pabalik ng mga nagbabantay sa Itim na Nazareno ngunit ng makita siya ay pinasakay pa siya mismo sa sasakyang pinaparadahan ng Itim na Nazareno. Hindi ganun kadali na sumakay na lamang sa karo ng Nazareno dahil mahigpit itong pinagbabawalan at napakahigpit ng bantay. Swerte lang ng panahon na iyon si Coco Martin dahil sikat na siyang actor.
Dahil sa sobrang kasikatang tinatamasa ng actor, ginagawa niya upang hindi siya makilala ng mga tao ay naghuhubad siya ng pantaas na damit at itinatakip ito sa kanyang mukha na tanging ang kanyang mga mata lamang ang nakikita.
Ayon sa actor malaki ang pananalig niya sa Itim na Nazareno dahil may isang beses na humiling siya dito, na kahit siya mismo sa kanyang sarili alam niyang malabong mangyari yon. Ngunit hindi siya makapaniwala na natupad ang kanyang hiling at ayon sa aktor sobra sobra pa ang binigay nito sa kanya.
Kaya pala ganun na lang ang swerte ng binata dahil deserve niya naman ang mga blessings na natatanggap niya dahil pinaghirapan niya ito at higit sa lahat ang tindi ng pananalig nito sa Panginoon.