Dedo ang isang lalaki na nakabisikleta na nabundol ng SUV sa Quezon City. Matindi ang kanyang natamo at napuruhan ito sa ulo.
Ayon sa imbestigasyon, nagbibisikleta ang biktima sa daan at nabangga ng sasakyan na SUV. Ayon kay SPO1 Jessie Flores, habang nagbibisikleta ang biktima ay naka-headset ito. Mabilis din ang patakbo ng driver ng nasabing sasakyan. Hindi napansin ng biktima na may paparating na palang sasakyan, dahil nagte-text ito.
Sumuko naman ang driver at nakasuhan pa ito ng homicide.