Mahalagang Matapat ang ating Pangulo,Mula sa Iniidolo Napalitan ng Kinainisan na Kandidato

anonymous
This person has chosen to hide his/her identity.

Lahat ng tao ay may karapatan kung sino ang kanyang botohin at may kanya-kanyang opinyon na dapat natin igalang sa isa’t isa.


Taong 2014 pa lamang ay nakakarinig na ako ng bali-balita patungkol sa isang mayor ng Davao, kung saan nanungkulan ng mahigit 22 taon at hanggang sa kasalukuyan ay namumuhay lamang ng simple. Sa panahon ngayon bihira ang mga ganitong tao na nasa pulitika, ang hindi yumayaman. Isa na ako sa mga humihiling na sana tumakbo bilang president si Digong. Noong Nobyembre 21, 2015 laking tuwa ko ng nagdeklara siyang tumakbo bilang president. Maliban sa kanyang simpleng pamumuhay napag-alaman ko din na ang Davao ay isa sa mga tahimik at maunlad ng siyudad dito sa Pilipinas.


Si Mayor Rodrigo Duterte ay mahilig magmura sa telebisyon, ngunit naging positibo ang pananaw ko dito. Maaaring ito ay kanyang expression at gaya ng karamihan normal lang sa atin ang napapamura.


Laking gulat ko sa balita na minura niya si Pope Francis na nagging dahilan ng sobrang trapik sa Manila ng bumisita dito. Agad namang humingi ng dispensa ang mayor ng Davao at tinanggap din ito ng Roma. Hindi nagbago ang magandang imahe na nabuo ko sa mayor, siya pa din ang gusto kong president.


Kamakailan lang ay napabalita na naman si Mayor Digong sa isang Australian na pinatay at ni-rape taong 1989. Alam kong hindi maganda pakinggan ang kanyang sinabi, nakitaan si mayor ng walang galang sa mga kababaihan. Sa aking pananaw birong totoo ang ginawa ni mayor ngunit wala siyang masamang kahulugan. Hindi natinag ang aking desisyon na siya ang aking bobotohin.


Kasalukuyang issue kay Duterte ay ang pagkakaroon niya ng milyones na account sa BPI, Julia Vargas Branch na isiniwalat ni Senador Trillanes. Naisip ko isa itong black propaganda dahil sa patuloy na pangunguna ni Digong sa survey.

Sinagot na ni mayor ang bentang ni Trillanes, at ayon kay Digong mayroon siyang account sa BPI at ito ay ilang libo lamang. Isang gabi habang nagba-browse ako sa facebook bigla na lang may nag-share sa akin na ang eksena ay ine-interview ni Karen ang Spokesperson

Dati hindi ko masyado pinapansin ang mga alegasyon patungkol sa mayor ngunit bigla akong napaisip. Kailangang kilalanin ko muna ang napili kong presidente at ako mismo ang magsaliksik tungkol dito. Hindi ako nakontento sa isang balita sa istasyon lamang maging sa mga pahayagan at sa internet ay nagsearch din ako. Bigla na lang may nag-share sa akin na ang eksena ay ini-interview ni Karen ang Spokesperson ni Duterte na si Peter Laviña at ayon sa spokesperson ni Digong hindi totoong may account si mayor sa BPI sa Julia Vargas, Pasig Branch. At ayon pa lay Peter imposibleng magkakaroon siya mayor ng account sa Manila, sa Davao siguro meron.


http:/news.abs-cbn.com/halalan2016/video/nation/04/28/16/watch-spokesmans-earlier-denial-of-dutertes-bpi-bank-account

http:/www.filipinewsph.com/2016/04/duterte-camp-on-p211m-bank-account.html

https:/twitter.com/iamkarendavila/status/725495261670203393


Ngunit makalipas ang ilang araw inamin ni Duterte na may account nga siya sa BPI Julia Vargas, Pasig Branch dahil marami na ang nagkompirma na may ganung account nga. Naisip ko bakit sa simula pa lang ay hindi niya na inamin? Bakit kailangan niya pang mag-deny. Bilang mamamayan at siya ang aking bobotohin sa tingin ko may karapatan ako ng totoong paliwanag hinggil sa ganitong isyu. Dahil bilang nagpapatakbo ng Pangulo ng Pilipinas naniniwala akong kailangang tapat at hindi sinungaling.

http:/www.thedailypedia.com/2016/04/duterte-confirms-existence-controversial-bpi-account/

http:/philnews.ph/2016/04/29/duterte-finally-admits-bpi-account/



May 2, 2016 lahat ng tao nakatutok kung ano ang mangyayari sa pagitan nina Trillanes at Duterte sa pagpunta nila sa BPI at isa na ako doon. Ngunit sobrang dismaya ko na hindi pinakita ni mayor ang kanyang bank transaction. Kung wala naman tinatago bakit kailangan pang magpaligoy-ligoy? Bakit hindi na lang pinamukha kay Trillanes na hindi totoo ang kanyang mga bintang? Nang sinabi ni Duterte na pinapasakay niya lamang si Trillanes, doon ko naramdaman na parang taong bayan ang pinapaikot lamang niya sa kanyang mga kamay. Biglang nawalan ako ng respeto at tiwala sa taong iniidolo at pinaniniwalaan ko na siya ang pag-asa ng bayan. Hangad lamang ng taong bayan malaman ang katotohanan na pinagdamot ibigay ni Mayor Duterte.

By: Concern Citizen


 

May we ask for a small favor?

Unlike others, we don't charge users fees for asking questions from our medical, legal and other experts. This is because we want to keep our services free and accessible to all, regardless of social or financial status.

But it's difficult and expensive work. While more underserved Filipinos are using BuhayOFW, none are paying for it. And advertising revenues are minimal. Nevertheless, we have costs like any other top site: servers, power, rent, programs, staff, medical/legal experts, etc. We take no government funds; we run on donations.

So if you value our work in helping less fortunate Filipino friends, then become a Supporter and help make our future more secure. Help us continue our work.

Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)
anonymous
This person has chosen to hide his/her identity.
Katakot takot talaga maging presidente si Dudirty, wala siyang pinagkaiba kay Hitler. Magaling magsalita, pangmasa ang dating para marami makisimpatiya sa kanya. Dati si Hitler ganon din ang pangako, ubusin ang mga sindikato hanggang napasakamay niya na ang batas. Ano nangyari nagkaroon ng world war2. Sa hindi nakakaalam kay Dudirty noong 2005 may pinalaya siyang 8 Chinese drug lord for the spirit of Chinese New Year daw. Kaya niyang patayin ang mga kalaban niya pero kapag kasamahan niya na pinapalaya niya. Hindi nakakapagtaka kung may milyones siyang pera, baka bilyones pa nga. Halata naman kapag guilty ang tao dinadaan sa paligoy-ligoy ang usapan.
1 person likes this

Buhay OFW provides news and opinion articles as a service to our readers.  Often these articles come from sources outside of our organization.  Where possible, the author and the source are documented within each article.  Statements and opinions expressed in these articles are solely those of the author or authors and may or may not be shared by the staff and management of Buhay OFW. 

Your access to, and use of, this site is subject to the Terms of Use and all applicable laws and regulations. By accessing and using the site, you accept, without limitation or qualification, these Terms of Use, and acknowledge that any other agreements between you and Buhay OFW are superseded with respect to this subject matter. If you do not agree and accept, without limitation or qualification, these Terms of Use please exit the site.