Simpleng Sagot ni Kris Aquino Sa Isang Follower Tungkol sa Pagpapasagasa ni Pnoy sa Tren

Marie Cruz
is a Writer in United States

Inaabangan ang reaksyon ng kapatid ng presidente na si Kris Aquino sa kumakalat ngayon sa social media na video ni Pnoy kung saan sinabi nito umano na magpapasaga siya sa tren. Alam naman natin na maraming sinasabi si Kris at sa lahat ng pagkakataon ay kanyang ipagtatanggol ang kanyang Kuya Noy. Pinatuyan ni Kris sa pagkakataon na ito na siya ay isang taong may class. Ito ang kanyang Instagram post na kung saan nag-comment ang isang fan/hater/basher.






Napaka-ikli nang sagot ni Kris na marahil ay makakabuti sapagkat kung siya ay may sasabihin pa, malamang siya na naman ang maba-bash ng tuluyan ng mga tao. Mabilis namang nagbigay suporta ang ibang fans at followers ni Kris sa kanyang Instagram account at pinagsabihan ang naturang fan/hater/basher.


Ilang buwan na din ang nakalipas mula nang lumutang ang iba’t ibang version ng video ng speech ni Presidente Noynoy Aquino na naganap noon pang April 4, 2013. Dito ay sinabi niya na pipilitin ng kanyang administrasyon na maipatayo ang tren na aabot hanggang sa Cavite by 2015. Umasa ang mga Pilipino dito bilang sawang sawa na tayo sa traffic at madaming oras na ginugugol sa biyahe kada araw. Nagpatibay pa ng pag-asa na ‘yan ang pagbanggit ni Pnoy na siya at si Secretary Abaya ay “siguro” magpapasagasa sa tren kung hindi ito natupad.


Kung tunay na magagawa ang tren na ito, hindi lamang ito makakabawas sa traffic sa katimugang bahagi ng Metro Manila at magpapadali ng byahe n gating mga kababayang kasulukuyang nakatira sa Cavite at mga karatig na lugar. Magkakaroon na din ng rason ang mga karaniwang Pilipino na magsimulang mag-invest sa mga low-cost housing na napakarami sa Cavite area. Hindi na tayo magsisiksikan sa Metro Manila dahil ang pagbyahe ay mapapadali na.


Sa naturang speech, binanggit ng ating president na nais niyang tapusin ang makupag at panay papoging serbisyo. Dagdag pa niya habang kausap ang kanyang mga boss, “Turo po ng tatay ko sa akin pag nagbitaw ka ng salita, mahirap man o madali, kailangan mangyari ito.”


“Pag dating naman ng 2015, hindi lang natin mapapabilis ang byaheng mula Baclarang hanggang Bacoor, kundi madadagdagan din tayo ng tinatayang 250,000 na pasahero ang maisasakay kada araw dahil sa LRT Line 1 Cavite extension,” ipinangako ni Presidente Aquino.


Malaking pagkakamali siguro niya na sabihin ito, “At ‘pag hindi ho nangyari ito, nandyan po si Secretary Abaya na mangagasiwa ng proyektong ito. Dalawa na kami siguro na magpapasagasa sa tren.”


Ayon sa isang report ng programang SAKSI ng GMA News and Public Affairs, as of July 2015, hindi pa nasisimulan ang nasabing proyekto.


Nakakatawa at nakakainis isipin na pawang gusto kasi ng ating Pangulo na maging katulad ng Presidente ng Amerika na si Obama na maging humorous at entertaining ang kanyang mga speech. Marahil ay gusto lang din niya na maipakita na marunong din siya magpatawa dahil siya din ay isang tao lamang maski siya ang nasa pinakamataas na pwesto sa ating bansa. Ang nakakalungkot dito ay sa lagay ng Pilipinas ngayon, wala na tayong panahon na makipagbiruan pa at bigyan ng mga pangakong patuloy na mapapako.



At dahil sa binitawang mga salita ni Pnoy, ngayong natapos na ang 2015 ay inaabangan ng maraming Pilipino ang kanyang pagpapasagasa sa tren. Napakaraming meme at commentaries ang ating makikita sa social media tungkol dito. Malamang hindi niya gagawin yun ngunit marahil ay magandang abangan na lamang ang masasabi ni Pnoy mismo tungkol sa pagkukulang na ito.

 

May we ask for a small favor?

Unlike others, we don't charge users fees for asking questions from our medical, legal and other experts. This is because we want to keep our services free and accessible to all, regardless of social or financial status.

But it's difficult and expensive work. While more underserved Filipinos are using BuhayOFW, none are paying for it. And advertising revenues are minimal. Nevertheless, we have costs like any other top site: servers, power, rent, programs, staff, medical/legal experts, etc. We take no government funds; we run on donations.

So if you value our work in helping less fortunate Filipino friends, then become a Supporter and help make our future more secure. Help us continue our work.

Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)

Buhay OFW provides news and opinion articles as a service to our readers.  Often these articles come from sources outside of our organization.  Where possible, the author and the source are documented within each article.  Statements and opinions expressed in these articles are solely those of the author or authors and may or may not be shared by the staff and management of Buhay OFW. 

Your access to, and use of, this site is subject to the Terms of Use and all applicable laws and regulations. By accessing and using the site, you accept, without limitation or qualification, these Terms of Use, and acknowledge that any other agreements between you and Buhay OFW are superseded with respect to this subject matter. If you do not agree and accept, without limitation or qualification, these Terms of Use please exit the site.