Ilang linggo na ang nakalipas ng maghiwalay ang engaged na sana na sina Zsa Zsa at kasintahan nitong architect. Nabalitaan na lamang ng lahat na nag-alsa balutan na pala ang singer sa bahay ng boyfriend.
Ayon sa ex-boyfriend nito na si Conrad, mahal na mahal niya pa rin ang aktres at handa siyang suyuin ito kung kinakailangan. “I love and respect her a lot and whatever issues we have are between us and hopefully we can work it out and who knows maybe get back again”. Ayon ni Conrad Onglao. Hindi man niya Sinabi ang tunay na dahilan ng kanilang hiwalayan, halata na mahal pa din ng lalaki ang aktres.
Ang tanong may babalikan pa kaya si Conrad dahil sa huling interview sa dalaga ay nasa proseso na siya ng paghilom ng sakit sa kanilang paghihiwalay, sa tulong na din ng kaniyang pamilya.
At ayon pa sa architect si Zsa Zsa daw ang pinakamagandang nangyari sa kanyang buhay. Dagdag pa ng binate subukan niyang maayos pa ang kanilang relasyon.
Sa tingin ko naman baka nagging prolema din sa kanilang pagsasama ang nagging status ni Zsa Zsa sa buhay dahil siya ay isang sikat na singer actress. Samantala si Conrad Onglao naman ay isang simpleng lalaki na mas gustong tahimik lang ang buhay.