SINO ANG MAS SIKAT, PASTILLAS GIRL O ALDUB? Mas magaling, matimbang

anonymous
This person has chosen to hide his/her identity.

Naging matunog sa lahat ng manunuod ang pangalang yaya dub, Dubmash Queen na ang tunay na pangalan ay Maine Mendoza kung saan nakilala siya sa galing ng pag da-dubmash na naging trending o viral sa social media. Nagustuhan siya ng maraming tao dahil sa kanyang pagiging kikay at wacky face ika nga nila walang karate-arte. Nakakita ng pagkakataon ang noontime variety show Eat Bulaga at agad nila itong inalok ng proyekto bilang isang yaya Dub. During her time bilang Eat Bulaga’s Kalyeserye nagging kapareha niya si Alden Richards at tinagurian silang Aldub. Dahil sa bagong segment ng Eat Bulaga bigla tumaas ang kanilang rating. Mapakalye, mapatrabaho, mapabahay o sa lahat ng social media naging maingay ang love team ng Aldub. Marami ang kinilig at marami din ang natawa kay lola Nidora sa kanilang bagong palabas.

Samantala nakilala din at naging viral ang video ni Pastilla Girl or known as Angelica Jane Yap. Isang dalagang bigo sa pag-ibig at sa sobrang sakit na dinanas binunton ang sakit sa video kung paano gumawa ng pastillas. Dahil sa kanyang kakaibang video naging trending dito upang anyayahan siya ni Vice Ganda ng showtime na pumunta sa segment na Madam Virtud. Doon nalaman ng mga manonood na ipinalit siya ng ex boyfriend niya sa kanyang bestfriend kung saan ito ang naging sandalan niya at tagabigay ng advice kapag may problema ito. Sabi niya nga pareho daw sila ng karanasan ni Kim Chiu at Maja Slavador. Marami ang naawa at nakarelate sa kanyang kwentong pag-ibig at isa na dyan si Vice kung saan nangako na sila sa Showtime ang maghahanap ng magiging Mr. Pastillas ng buhay niya. Doon nagsimula at bigla naging matunog ang pangalan ni Pastillas Girl.

Dahil sa paglabas ni Pastillas Girl, marami ang naawa at nakisimpatiya. Marami din ang humusga sa kanyang pagkatao. Maraming galit at ikinumpara siya sa Aldub lalo na ang mga tagahanga at tagasubaybay ng Aldub.

Its just quite sad how people tend to spread hates instead of love. Both Eat Bulaga and Showtime gave a real good show. Nakita ko ang concept ng Aldub at Nasaan ka Mr. Pastillas and same showcased how love is supposed to be delivered. Nakakalungkot lang isipin na imbes magdadala sa atin ng magandang asal ito pa ang naging dahilan ng pag aaway natin. Inspring yong dalawang girls, Maine at Angelica. Parehong mabait at maganda, magkaiba man sila ng sitwasyon sa buhay but same ang gusto lang nila ay maging masaya at magkaroon tayo ng matutunang aral.

Bawat tao ay may karapatan kung ano gusto nilang panuorin, ang mahalaga alam mo ang value at nakakapagpasaya sa’yo.


BWELTA NI JOEY DE LEON SA SHOWTIME, VICE GANDA, ANNE AND COLLEEN SUMAGOT SA ISYU

Pinag-uusapan at nakilala si Pastillas girl sa noontime show na Its Showtime at may naging pasaring dito si Joey De Leon hinggil sa bagong palabas ng Its Showtime sa kapamilya network.

10:01PM Sept. 15, 2015 ng nagtweet si Joey de Leon ng “ Para sa atin, Show love and understanding pa more. Para sa iba isip-isip pa more pag may time.”

12:40AM Sept. 16, 2015-09-21 “WE CAME, THEY SAW, THEY COVER VERSION...”

7:00AM Spet. 17, 2015 “ PAALALA: Wala nang TUWIT (TWEET) NA DAAN. Puro TUWIT NA MILYON na! Make today the 24th straight day ! Good morning!

10:22 AM Sept. 17, 2015 “ The correct saying is “ What you sow, you reap.” Hindi WHAT YOU SAW YOU REPEAT”.

12:07PM Sept. 18, 2015 “Buti yung lagi ka nagkukumahog, nagsisikap hanggang minsang mamayagpag, kaysa naman lagi kang INGGITERO!”

4:09PM Sept. 18, 2015 “ First thing we learn in school ---The 4 Rs: Reading, ‘Riting, ‘Rithmetic, Recess! The most important NO Cheating and NO COPYING!

4:22PM Sept. 18, 2015 “ It’s Similar! It’s same! It’s second ! It’s Shadow! It’s ...Salamin! IT’S A SHAME!

Maliban diyan nag tweet din sa version ni Cherry Gil na “ You are nothing but a second low rating....” At chinallenge niya na mag-isip huwag mangopya.

Ayon kay Vice Ganda mahigpit na talaga ang kompetensiya ng dalawang noontime show Eat Bulaga at Showtime bago pa man dumating ang Aldub. Teleserye nila, teleserye din ng dos at napaipokrita kung hindi sabihin daw ni Vice na walang kompetinsyong nagaganap sa pagitan nila. Nagtweet si Vice Ganda.

10:43 AM Sept. 18, 2015 “ Dnt worry too much . Dnt stress urself. Enjoy life. Enjoy this day. Smile as much as you can. God bless you! #PastillasDay5

Sumagot din si Anne sa isyu tungkol sa mga binabato sa kanilang panggagaya, at ayon sa kanya “ Ofcourse you know, there’s a war between the fans and everything. I think everyone just needs to take a chill pill. I think It’s great. It goes to show that people are still into noontime shows. So I think It’s great”.

Nang tanungin naman si Collen tungkol dito, “ One thing that I actually pick up on is that I’m happy that there are two noontime shows that are doing their very best to make people happy. Because at the end of the day , It’s really about the audience. It’s really about the fans”.


Walang mali sa pagbibigay ng sariling opinion ni Joey de Leon at wala ding mali sa ginagawa ng Showtime. Pareho lang ang hangarin ng bawat isa ang mapasaya ang mga taong nanunuod tuwing tanghali.

 

May we ask for a small favor?

Unlike others, we don't charge users fees for asking questions from our medical, legal and other experts. This is because we want to keep our services free and accessible to all, regardless of social or financial status.

But it's difficult and expensive work. While more underserved Filipinos are using BuhayOFW, none are paying for it. And advertising revenues are minimal. Nevertheless, we have costs like any other top site: servers, power, rent, programs, staff, medical/legal experts, etc. We take no government funds; we run on donations.

So if you value our work in helping less fortunate Filipino friends, then become a Supporter and help make our future more secure. Help us continue our work.

Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)

Buhay OFW provides news and opinion articles as a service to our readers.  Often these articles come from sources outside of our organization.  Where possible, the author and the source are documented within each article.  Statements and opinions expressed in these articles are solely those of the author or authors and may or may not be shared by the staff and management of Buhay OFW. 

Your access to, and use of, this site is subject to the Terms of Use and all applicable laws and regulations. By accessing and using the site, you accept, without limitation or qualification, these Terms of Use, and acknowledge that any other agreements between you and Buhay OFW are superseded with respect to this subject matter. If you do not agree and accept, without limitation or qualification, these Terms of Use please exit the site.