Sino ang Susunod na Darna: Nadine Lustre o Liza Soberano?

Marie Cruz
is a Writer in United States

Masayang surpresa para sa mga nanood ng piling mga pelikula ng MMFF, pinakita ang trailer ng bagong Darna! Kuwento nang mga nakapanood, kabilib-bilib daw ang nasabing trailer at talagang lalong kaabang-abang ang pelikula!


Nakaka-dismaya lang na nakatakip pa din o medyo madilim ang kuha sa artistang gaganap na Darna. Sino nga ba ang papalit sa role na dapat ay gagampanan ni Angel Locsin? Mahirap nga naman pumalit sa puwesto na talagang si Angel ang babagay bukod sa inabangan na talaga ng mga fans na ang naturang pagganap. Maaalalang ibinalita ni Angel last year na hindi na siya ang magiging Darna dahil sa sakit na mayroon siya sa kanyang likod.


Noong Nobyembre ay gumawa ng poll ang http:/push.abs-cbn.com/ kung saan bumoto ang mga fans kung sino ang napupusuan nilang gumanap na Darna. Nanguna si Nadine Lustre with 48% of the votes at sumunod naman si Liza Soberano. Kabilang sa mga nasama sa listahan ay si Kathryn Bernardo, Maja Salvador, Kim Chiu, Julia Montes, Jessy Mendiola at Janella Salvador.


Photo Credit: YouTube user Kapamilya TV (https:/www.youtube.com/channel/UCqwjEXeH7rad0_-_7I2XsPQ)


Sabi ng mga netizens, kailangan proven bankable ang artista na gaganap bilang Darna. Tandaan natin na hindi naman love team-based ang pelikula na ito so kailangan talaga na ang babaeng artista ay may sariling malakas na fan base. Pero isaalang-alang din natin na ang Darna ay napakalaking storya na bahagi na ng kasaysayan ng pelikula at telebisyong Pinoy kaya kung sino man ang gaganap sa role na ito ay may mabigat na pressure na kailangan buhatin sa kanyang balikat. Bankable man o hindi ang artista, maari pa din asahan na dadagsain ng manonood ang sinehan sa oras na ipalabas na ito.


Dalawang taon nag-training si Angel Locsin para sa pelikulang Darna. Nabanggit na dati na ang kontrata ng ABS-CBN/Star Cinema sa Darna ay hanggang 2016 lamang kaya hindi na maaring hintayin pang gumaling si Angel kaya papalitan ang artista na gaganap. Kung ganun, kailangan ay ngayon pa lang, matinding training na ang pinagdadaanan ng bagong Darna. Busy si Nadine Lustre sa On the Wings of Love at kakapalabas lang ng Beauty and the Bestie kung saan siya din ay bahagi ng pelikula. May panahon kaya siya mag-training?


Photo Credit: Whotalking.com


Sabi naman ng iba, masyado pang bata si Liza Soberano sa role. Siyempre naman, magsusuot ng sexy Darna outfit para sa pelikula at ito’y isang bagay na hindi pa natin nakikitang nagawa ng magandang artista na si Liza. Si Kathryn Bernardo naman ay isa pang napaka-busy na artista. Kaliwa’t kanan na endorsements kasabay ng kanyang daily teleserye na Pangako Sa’Yo. Medyo maliit din ang katawan ng dalaga at sabi nila ay parang hindi din babagay. Ang ibang panagalan naman na napasama sa listahan ay hindi masyadong maingay sa pagiging Darna kung pagbabasehan ang sigaw ng mga fans sa social media.


Sa ngayon, wala pa talaga tayong alam kung sino nga ba ang magiging Darna pero kung sino man siya, napaka-swerte niya dahil ang pagganap na ito ay napakalaking pribilehiyo na naibibigay lang sa piling piling mga artista. Nawa’y mabigyan niya ng hustisya ang role!


Ikaw, sino ang gusto mong maging Darna?




 

May we ask for a small favor?

Unlike others, we don't charge users fees for asking questions from our medical, legal and other experts. This is because we want to keep our services free and accessible to all, regardless of social or financial status.

But it's difficult and expensive work. While more underserved Filipinos are using BuhayOFW, none are paying for it. And advertising revenues are minimal. Nevertheless, we have costs like any other top site: servers, power, rent, programs, staff, medical/legal experts, etc. We take no government funds; we run on donations.

So if you value our work in helping less fortunate Filipino friends, then become a Supporter and help make our future more secure. Help us continue our work.

Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)

Buhay OFW provides news and opinion articles as a service to our readers.  Often these articles come from sources outside of our organization.  Where possible, the author and the source are documented within each article.  Statements and opinions expressed in these articles are solely those of the author or authors and may or may not be shared by the staff and management of Buhay OFW. 

Your access to, and use of, this site is subject to the Terms of Use and all applicable laws and regulations. By accessing and using the site, you accept, without limitation or qualification, these Terms of Use, and acknowledge that any other agreements between you and Buhay OFW are superseded with respect to this subject matter. If you do not agree and accept, without limitation or qualification, these Terms of Use please exit the site.