Sistema ni Mayor Rodrigo Duterte di uubra sa Pilipinas
Inalipusta ni Sen. Trillanes ang formula ng pamamahala ni Mayor Rodrigo Duterte sa Davao City. Ang sistema daw ni Duterte, hindi epek sa pag-pangulo kana. Ibang level na kapag Presidente kana, hindi katulad ng Davao City na tumatayong Alkalde sa mahabang panahon. Pag-Presidente kana, ibang level na dahil may 1600 cities ang municipalities, hindi kagaya ng Davao City.
Kung sa Davao City may nagsabi sa kanyang itumba ang isang nahuling criminal ay madali gawin, pero kapag pangulo kana, hindi basta-basta yan. May 1600 tayong mga cities at municipalities, kung bubulong pala sayo, itumba mo rin ng itumba ang mangyayari? Baka naman bigyan pa ni Duterte ang mga pulis at Militar ng lisensya para pumatay, mahirap ng mangyari yan, pagnagsimula ng magpatay, hindi na mapipigilan yan, sabi ni Trillanes. Maging magulo lang ang Pilipinas kapag si Duterte na ang naging Pangulo ng bansa.