Sa wakas, napanood na ng fans ni Miss Vilma Santos at Angel Locsin and trailer ng pelikula na kanilang pinagtatambalan, “Everything About Her”. Tunay ngang nakaka-excite and trailer dahil ilang taon na din ang nakalipas mula nang makita natin si Vilma Santos sa isang pelikula at siyempre naman, maski kalian ay hindi tayo na-disappoint sa kanyang mga pagganap.
Matagal na din pinaguusapan ang pelikula na ito at mas lalong nag-ingay nang sinabi ni Angel Locsin na ito ang isa sa mga pinakamalaki niyang proyekto ngayong 2016 matapos na ma-cancel ang kanyang pagganap sa Darna. Nakakatuwa din na makita na makakasama niya ang isa sa mga pinakamaningning na bituin ng pelikulang Pilipino na nagkataon din na ina ng kanyang nobyo na si Luis Manzano.
Kasama din sa cast si Xian Lim na kung hindi tayo nagkakamali ay makakasama nang mga beteranang aktres na ito sa pelikula sa unang pagkakataon. Ipapalabas sa mga sinehan nationwide ang Everything About Her sa January 17, 2016. Panigurado ay magkakaroon din ng worldwide screening ito para naman sa ating mga kababayang OFW. Abangan na lamang natin ang mga detalye na malamang ay ilalabas na din ng Star Cinema very soon.
Panoorin ang buong trailer sa link na ito: https://www.youtube.com/watch?v=qUe5HyOOb4g
Photo credits: Ang mga screenshots sa itaas ay nagmula sa official trailer ng Everything About Her ng Star Cinema.