Isang drayber ng Subaru Forester na si Baldwin John Velasco,33 anyos pangunahing suspek sa pagkamatay ng empleyado ng call center. May nasugatan din sa aksidente na mga katrabaho ng biktima at may isang buntis na ang sanggol sa sinapupunan ay namatay.
Nakatakas na din ang suspek. Dinala sa hospital ang biktima, ngunit binawian din ng buhay. Ayon sa Hepe ng Pasig Police, nakuha umano nila ang plate number ng sasakyan ng suspek mula sa mga testigo. Natunton nila ang suspek sa tinitirhan sa Quezon City. Tumatawid naman daw ang grupo ng biktima sa pedestrian lane nang biglang araruhin ng sasakyan ni Velasco. Naramdaman naman daw ni Velasco na may nahagip subalit hindi na daw huminto dahil sa takot.