Nagsimula ang lovestory nina Zsa Zsa Padilla at Conrad Onglao ng ipakilala ito ni Miss Sharon Cuneta sa aktres singer. Nang panahon na iyon nagtatrabaho si Conrad sa ipinapatayong bahay ni Sharon. Noong una sinabi ng architech na ayaw niya ng artista dahil mas gusto niyang pribado ang buhay.
Ngunit nagkagustuhan sila ng aktres na tamang-tama pareho silang single. Byuda na si Zsa Zsa at ang lalaki naman ay hiwalay na sa asawa na kapwa architech din.
Mayo 2014 ng umugong ang balita na may nobyo na ang singer aktres, sa simula hindi ito humaharap sa medya. Ngunit ng tumagal ay pinangalanan na nga din ito. Samu’t saring mga reraksyon ang maririnig mo sa mga tao, may mga masaya para sa aktres at may mga bumabatikos.
Naging matamis ang pagsasamahan ng dalawa na nauwi pa sa pagsasama nila sa iisang bubong. Lumipat sa Makati si Zsa Zsa sa bahay ng boyfriend kahit na kontra ang anak nito.
Nakaraang taon buwan ng Setyembre nag-post ang aktres na engaged na sila ng arkitek at nagbabalak magpakasal sa abroad.
Nagulantang ang lahat ng ianunsyo ng aktres na hiwalay na sila ng nobyo. Kinompirma din ng anak niyang si Karylle na umalis na ang ina sa bahay ng lalaki sa Makati at bumalik na sa dating bahay nila ni Dolphy.
Ayon kay Zsa Zsa Padilla, sinubukan nilang ayusin ang kanilang relasyon ngunit hindi na maayos. Nagpasya na lamang silang maghiwalay. Walang sinabi ang aktres ng dahilan ng kanilang hiwalayan.