SINO SI DONALD TRUMP? TALAMBUHAY NI IKA 45TH PRESIDENTE ESTADOS UNIDOS

Rizza Floro
is a Talent scout in Japan

Ano mga sekreto o kawili-wiling impormasyon tungkol sa kayang pagkatao at pinanggalingan?

Sino ba naman ang hindi nakakakilala sa ika-45 na presidente ng United States? Pero bago yan, mas nakilala natin siya dun sa “The Apprentice” bilang isa sa pinaka kilalang host at personalidad sa TV. Para may konting background tayo sa kanya, ito yung ilan sa mga pangunahing impormasyon. Ipinaganak siya noong June 14, 1946 sa New York at nanirahan siya dito kasama ng apat niyang kapatid.

Nagkaroon siya ng dalawang asawa bago niya pakasalan si Melania Trump at nagkaroon ng 5 anak. Marami siyang negosyo may kinalaman sa real estate, sports at entertainment. Naging presbyterian siya noong 2011, isang nirepormang protestanteng grupo. Relihiyoso siya di gaya ng iniisip ng iba. At nangako siya noong eleksyon na gagawin niyang dakilang bansa muli ang Amerika. Pero malamang na marami pa tayong di alam tungkol sa personalidad at personal na buhay niya. Ano ba yung ilan sa mga kawili-wiling bagay tungkol kay Donald Trump?

- Kahit na kailan, hindi siya nanigarilyo, uminom ng alak o nagdroga. Pinagsabihan siya ng kapatid niyang si Fred na huwag na huwag mag-iinom dahil sa masamang epekto nito. Ang totoo, pagiging lasenggero ang ikinamatay ng kapatid niyang si Fred. Pero kahit di siya nag-iinom, isinapubliko niya ang sarili niyang brand ng vodka noong 2006 pero hindi ito bumenta sa masa.

- Noong 13 anyos siya, pinadala siya ng mga magulang niya sa New York Military Academy para matuto ng tamang asal dahil sa pagiging masyado niyang pasaway, agresibo at hambog. Kaya naman hindi na pinagtatakahan ng kahit na sinong malalapit sa kanya kung masyadong mataas ang kumpyansa niya sa sarili. Noong 2004, buong tapang niyang ipinagmayabang sa The Daily News, isang programa sa tv na lahat daw ng babae sa “The Apprentice” eh nakikipag flirt sa kanya at hindi na siya nagugulat don.

- Walang habas siya sa pagbash at pagbabato ng kritisismo kay Dating Presidente Obama. Sinabi pa nga niya na kung aagahan ni Obama ang pagbaba sa pwesto, pwedeng-pwede siyang maglaro ng golf sa lahat ng golf course na pag-aari niya, kahit saan at kahit kailan ng libre. Myembro din siya ng “brither” o yung kilusan na kumukwestyon sa lugar ng kapanganakan ni Obama.

- Siya lang ang tanging presdiente na may sariling board game na ang tawag, Trumph: The Game

- Kahit na kilala na siya bilang matagumpay na businessman, madami pa din siyang sinayang na pagkakataon para mas magpayaman. Baka dahil nasstress na siya o kontento na? Hindi natin alam. Noong 1988, nabili na niya sana ang “The Patriots” isang football team, pero sa tingin niya eh hindi magandang investment yun. Pero ngayon, 2bilyong dolyar na ang halaga ng team na yan.

- Isa siyang germaphobe. Ayaw niya nung nakikipag kamay o shake hands sa kahit na sino. Kaya kapag pinipilit siyang makipag-kamay, buong lakas niyang idinidikit ang katawan niya sa kung sinomang taon iyon.

- Hilig na niya ang football high school palang. At kahit na kilala na siya bilang sikat na businessman, hindi niya ito iniwan. Nagtayo siya ng isang grupo na tinatawag na New Jersey Generals ng United States Football League pero hindi din ito nagtagal.

- Baka naintriga ka tungkol sa mga naging asawa ni Trump. Umabot ng 2 milyong dolyar ang pakikipag diborsyo niya kay Marla Maples. Bago niya napangasawa si Melania Trump na isang modelo, pinag-awayan muna siya ni Ivana Winklyamayr at Marla Maple sa isang ski slope noong 1991.

Malamang na madami pa tayong hindi alam tungkol sa kaniya. Aabangan natin yan sa mga susunod na taon ng pamamayagpag niya bilang presidente. Nakatulong sana yan sayo para mas makilala mo siya.



 

May we ask for a small favor?

Unlike others, we don't charge users fees for asking questions from our medical, legal and other experts. This is because we want to keep our services free and accessible to all, regardless of social or financial status.

But it's difficult and expensive work. While more underserved Filipinos are using BuhayOFW, none are paying for it. And advertising revenues are minimal. Nevertheless, we have costs like any other top site: servers, power, rent, programs, staff, medical/legal experts, etc. We take no government funds; we run on donations.

So if you value our work in helping less fortunate Filipino friends, then become a Supporter and help make our future more secure. Help us continue our work.

Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)

Buhay OFW provides news and opinion articles as a service to our readers.  Often these articles come from sources outside of our organization.  Where possible, the author and the source are documented within each article.  Statements and opinions expressed in these articles are solely those of the author or authors and may or may not be shared by the staff and management of Buhay OFW. 

Your access to, and use of, this site is subject to the Terms of Use and all applicable laws and regulations. By accessing and using the site, you accept, without limitation or qualification, these Terms of Use, and acknowledge that any other agreements between you and Buhay OFW are superseded with respect to this subject matter. If you do not agree and accept, without limitation or qualification, these Terms of Use please exit the site.