Sinampahan ng kasong murder ang pangunahing suspek sa pagkawala ng isang Pinay na 57 anyos na si Elvira Babb na residente ng Vallejo California. Nagtaka ang anak kung bakit hindi pa natatagpuan ang kaniyang ina. Nakatanggap ang kaniyang anak na si John ng isang text message na naghihingi ng ransom na $60,000, kapalit ng kanyang ina. Hindi naman ito sineryoso ng anak dahil akala niya ay biro lamang ito.
Tinatawagan ni John ang kanyang nanay, ngunit hindi naman sumasagot. Agad naman niya inereport sa police. May naaresto ang pulis na apat na suspek na hinihinalang may koneksyon sa kidnapping. Ngunit wala naman sa kanila ang makapagsabi kung nasaan si Elvira Babb. Umaasa pa rin si John na matatagpuan ang kanyang ina. Naging palaisipan ng kanyang anak,kung bakit humihingi ng ransom ang kidnapper dahil hindi naman mayaman ang kanilang pamilya