Ano ang dahilan ng Panic attack? Sanhi po ba ng Anxiety ?

anonymous
This person has chosen to hide his/her identity. Medical History

May same case po ba ako dito. May time na bigla ako hihimatayin kahit san palengke, terminal, cr, gym, hospital. Nangyayari yan once a year pero may taon na wala naman pero 8 beses na po ako nahihimatay bigla pero bago ako himatayin yung kabado tapos biglang sasakit yung sikmura then ayun na wala ng malay. Minsan naabutan ako ng hindi pako nakakpunta ng safety na lugar, minsan humahampas ako san san huhuhu. Tulad na lang ng cr humampas muka ko sa tiles sa sahig kaya ngka black eye ang hirp ng bigla bigla na lang ganun baka sn ako humampas delikado ngpchek na ako mri,heart at iba pa pero di din makita kung bakit ganun sabi p ng doc sa akin first time nila maka incounter ng once a year talaga pero nung buntis ako wala ngyyring ganyan di ko lm bakit ganun huhuhu ano po kaya sakit yan
panic attack?anxiety?
Salamat sa mga sasgot

 

Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)
Dr. Alfredo Chua
is a Medical expert in the Philippines
Ang inyong kaso ay unique po talaga. Ang biglang pagkahimatay ay maraming pwedeng dahilan: maaaring problema sa utak o sa puso o maaari ring psychiatric. Ano po ang inyong naaalala bago kayo himatayin? Kung may pakiramdam kayong kabado, kayo po ba ay nakakaramdam ng pagkabog sa dibdib? Pinagpapawisan? Hindi naman kayo gutom bago himatayin? Sa ngayon po habang inaalam pa ang dahilan niyo, mas mabuti pong palagi kayong kasama kapag kayo ay lumalabas dahil di po natin alam kung kailan ito mangyayari. Iwasan din po ang pagmamaneho dahil delikado ito kung ito ay mangyari habang nagmamaneho.
anonymous
This person has chosen to hide his/her identity. Medical History
Thankyou for answers my question doc
Ng pa check na po ako MRI at sa puso negative po preho
Naalala ko naman po lahat bgo himatayin yung pinaka last ko po maybe thisyear po ata yun bumangon ako mga 2am tapos ng cr po ako then habang naihi po ako naramdaman ko bigla na naman sumakit yung sikmura ko then ayun nahimatay na po ako bumagsak ako sa tiles ng cr at black eye na na ako iba iba po kasi ping dudugtong ko din po mga pang yayari pero iba iba po siya pero yun po kabado opo mabilis kabog ng dibdib yung parang takot na my iniicp po ganun tapos biglang sskit na yung sikmura ko saka mag bablack out na po paningin ko then mga ilang second lang magigising po agad ako pero wala naman ako ibang nararamdaman after ko magising wala din pagpapawis
Dr. Alfredo Chua
is a Medical expert in the Philippines
Mayroon pong tinatawag na micturition syncope o yung hinihimatay habang umiiihi lalo na kung biglang tumayo. Ano po ang test na ginawa sa puso ninyo? Iwasan po ang biglang pagtayo, gawing dahan dahan lamang upang maiwasan ulit ang pagkawala ng malay. Siguradugin din na well hydrated kayo, uminom ng maraming tubig lalo na kung mainit ang panahon.
anonymous
This person has chosen to hide his/her identity. Medical History
Ecg po yung ginawa sakin and opo doc ms maraming beses po yung time na iihi ako na biglang tatayo kaso kasama po ba doon sa micturition syncope yun bago himatayin biglang sskit sikmura saka mwwlan ng malay
Dr. Alfredo Chua
is a Medical expert in the Philippines
Maaari po talagang normal ang lumabas sa ECG dahil ginawa po ito nang ok ang pakiramdam ninyo. Ang isang ECG ay 6 seconds lamang po kaya malaki po talaga ang chance na walang makita dito. Mayroon pong tinatawag na 24 hour holter ECG kung saan 24 hours kayo kakabitan ng ECG at titingnan kung mayroon makita sa puso ninyo. Opo, maaari pong makaramdam ng pananakit ng sikmura bago himatayin.
anonymous
This person has chosen to hide his/her identity. Medical History
Good day po doc ngayon ko lang po nakita ang reply nyo ganun po pala ang ecg na dapat ipacheck
At my isa pa po akong tanung doc about sa ano po kaya yung bigla na lang mag aacid yung lalamunan ko at minsan yung kinain ko bumablik na parang masusuka hindi ko pa po ito npapacheck up doc salamat po sa sagut nyo

About the author

Dr. Alfredo Chua

Dr. Alfredo Chua is a board-certified physician who specialized in internal medicine and medical oncology. He is dedicated to the prevention, diagnosis and treatment of diseases that commonly afflict adult patients with focus on cancers/malignancies (solid tumors and lymphomas).
Profession: Medical Oncology
Philippines , Manila , Manila
The medical information contained in this section is not intended for treatment or prescription. It is used to complement, not replace, the communication between a patient and their physician. Reliance on any information provided by BuhayOFW or any medical experts is solely at your own risk. If you have a medical emergency, call your doctor or go to the hospital immediately. BuhayOFW's Medical Review Board is a team of board-certified doctors who ensure our content is medically accurate and reflects the latest in health information. Our experienced board of medical professionals verify that our content is thorough and all-inclusive, in order that you can trust the information you read here will help you through improvements in your health journey—whether that’s for yourself or for a loved one.