Pàano ako magdedesisyon?

anonymous
This person has chosen to hide his/her identity.

Sobrang mahiyain ako. Bobo pa sa english. Pero sa math masasabi kong may ibubuga ako. Tapos na ako ng pagaaral pero takot pa din ako mag apply dahil nga simpleng english diko magawa. Hindi ko gusto course ko. Ang gusto ko talaga teacher in Math. Kayanin ko kaya mag aral ulit sa kabila ng kabisote ako sa english. At kung mag aaral man ulit ako ilang taon pa kaya ulit.

Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)
Dolly April Plaza
is a Nurse in the Philippines
Iyong tandaan na ang English ay natututunan. Maaari kang magbasa palagi ng libro o newspaper upang makatulong sa iyong bokabularyo, grammar at english pronunciation. Pwede rin na manuod ng youtube videos about English or manuod ng English lessons at movies ng ingles. Huwag mag-alala at ito naman ay natututunan kung iyo lamang sisimulan at bibigyan ng panahon. Opo at makakaya mo pa rin mag-aral at hindi ito magiging hadlang.
Recommend Reply Report abuse