Paano po makukuha ang passport namin sa agency?

Pin Dizon
is a not applicable in the Philippines

Paano po namin makukuha ang passport po namin sa agency? 
May nag recruit po sa amin  ag mag apply pa Japan po pero yung process po pa Saudi, ngayon po gusto na namin po mag back out kaso po wala po kami pambayad sa agency para sa mga nagastos. Ano pong pwede namin gawin? Please po help us. Thank you. 

 

Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)
Jescelyn Del Rosario
is a Legal expert in the Philippines
Makipag negotiate nalang po kayo sa agency kung pwede po bang makuha ang passport ninyo at mag execute nalang po kayo ng promissory note or bayaran nalang po ninyo ng installment ang valid expenses na nagastos sa pagprocess nila. Kailangan po ninyong tumupad sa nasabing agreement if inaallow po nila dahil maari po kayong makasuhan dahil may written agreement po kayo. If ayaw po ibigay iverify nalang po ninyo ang agency na yan if registered ba talaga ito ng POEA dahil kung hindi maari po kayong magpatulong sa POEA about dito na makuha ang passport ninyo dahil baka illegal recruiter lang po ito.

About the author

Jescelyn Del Rosario

Legal Services and Litigation works Philippine/Foreign Paralegal Works Graduated AB Political Science and Bachelor of Laws at University of San Jose Recoletos-Cebu Completed Lawyers Trial Academy Training sponsored by IBP Cebu Chapter AIT-DOST Scholar at Cebu Institute of Technology
Profession: Lawyer
MJ Del Rosario Law Office and Associates
Office Address: Block 19, lot 26-27, Deca Homes, Talisay
Philippines , Talisay , Cebu

Disclaimer: The materials available in the Buhay OFW web site are for informational purposes and not for the purpose of providing legal advice. You should contact your attorney to obtain advice with respect to any particular issue or problem. Use of and access to this Web site or any of the e-mail links contained within the site do not create an attorney-client relationship between Buhay OFW and the user or browser.

If you are a legal expert who would like to help answer questions, please register here.