PASKONG OFW

Massuline Antonio  Dupaya Ligaya
is a Teacher in Korea, Republic of

Walang simbahang dito'y mapupuntahan
Upang misa de gallo ay maipagdiwang
Sa bibingka't puto-bumbong natatakam
Salabat na mainit walang makuhanan

Hanap-hanap ko ang mga batang paslit
Na tuwing gabi sa Disyembre'y nangungulit
Sintunado man kung sila ay umawit
Himig nilang pamasko'y nais madinig

Hinahanap ko'y parol na maliwanag
Walang matanaw makulay na Christmas lights
Wala ring Christmas trees na kumukutitap
Ganito ang pasko sa ibayong dagat

Ngunit 'di bale nang wala iyong lahat
Kung ngayong pasko kamay mo'y aking hawak
Ihain ma’y bibingka lang at salabat
Basta’t kapiling kita't aking kayakap

Pagkaing masarap maghahanda pa ba
Kung sa noche buena ako’y mag-iisa
Aking christmas lights ‘di na sisindihan pa
Nang dibdib ‘di madurog sa pangungulila

https://madligaya.com/

About the author

Massuline Antonio Dupaya Ligaya

Teacher-Writer-Blogger (https://madligaya.com)
Profession: Teacher
Korea, Republic of

 

Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)

Disclaimer: The materials on the Buhay OFW Website are for general information purposes only and should not be construed as religious advice, spiritual advice, opinion or any other advice on any specific facts or circumstances. Readers should not act or refrain from acting upon this information without seeking professional advice. Transmission of information on or by use of this Website is not intended to create, and receipt does not constitute, a client relationship between the sender and receiver. Photographs and other graphics used on this website may be for dramatization purposes only, and may include models or stock photos. Likenesses do not necessarily imply current client, membership, partnership or employee status.