Payo lang po sa lupa ng lola kong napabayaan

Alvin Areglado
is a none in the Philippines

 

Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)
Adelaimar C Arias-Jose
is a Legal expert in the Philippines
Hindi ko masagot ang iyong tanong dahil sa hindi ka naman nagsabi kung ano ang iyong problema. Hindi ko alam kung ano ang ibig mong sabihin na lupa ng lola mo -- ito ba'y nabili niya, namana niya, binili nila noong kanyang asawa, ang lolo mo?
Ang lupa ba ay rehistro? May TCT or OCT ba ang lupa? Sino ang registered owner na nakalagay sa titulo?
At ano ang ibig mong sabihin na ang lupa ay napabayaan?
Liwanagin mo ang mga bagay na ito at sisikapin kong sagutin ang mga tanong mo. Post na lang po kayo ulit.
Alvin Areglado
is a none in the Philippines
bali pinamana din po sa lola ko kasi sya lang po natira sa angkan nila bali tatlong titulo po yon kaso pinahawak nya sa isang attorney balak nya po kasing ibenta nuon hanggang sa may nangyari sa lolo ko sa bulacan kaya po mula leyte nagpunta sya ng bulacan para kay lolo hanggang sa hindi na sya nakabalik ng leyte para maasikaso ang lupa malamang po patay narin po yung humawak ng titulo ng lupa nya anu po maipapayo nyu salamat po sa pagtugon godbless
Adelaimar C Arias-Jose
is a Legal expert in the Philippines
Kung tama ka, Alvin, at ang lupa ay nasa pangalan ng mga lolo o lola mo, kung hindi pa ito napepeke at naililipat sa pangalan ng iba, malamang ay nasa pangalan pa rin ito ng lolo o lola mo. So, magpa verify kayo kung may lupain nga sa pangalan ng lolo o lola mo naka-rehistro.
KUng meron, kailangan mo lamang na ideclare na lost ang inyon owner's copy, para maka-kuha ng bagong kopya noon. Kaso, kailangan din na maipakita ninyong kayo'y tagapag-mana noong lolo o lola ninyo, so, masalimuot at mahabang proseso ang ito. Kailangan mo ng abogado.
Adelaimar C Arias-Jose
is a Legal expert in the Philippines
Kung tama ka, Alvin, at ang lupa ay nasa pangalan ng mga lolo o lola mo, kung hindi pa ito napepeke at naililipat sa pangalan ng iba, malamang ay nasa pangalan pa rin ito ng lolo o lola mo. So, magpa verify kayo kung may lupain nga sa pangalan ng lolo o lola mo naka-rehistro.
KUng meron, kailangan mo lamang na ideclare na lost ang inyon owner's copy, para maka-kuha ng bagong kopya noon. Kaso, kailangan din na maipakita ninyong kayo'y tagapag-mana noong lolo o lola ninyo, so, masalimuot at mahabang proseso ang ito. Kailangan mo ng abogado.
Adelaimar C Arias-Jose
is a Legal expert in the Philippines
Kung tama ka, Alvin, at ang lupa ay nasa pangalan ng mga lolo o lola mo, kung hindi pa ito napepeke at naililipat sa pangalan ng iba, malamang ay nasa pangalan pa rin ito ng lolo o lola mo. So, magpa verify kayo kung may lupain nga sa pangalan ng lolo o lola mo naka-rehistro.
KUng meron, kailangan mo lamang na ideclare na lost ang inyon owner's copy, para maka-kuha ng bagong kopya noon. Kaso, kailangan din na maipakita ninyong kayo'y tagapag-mana noong lolo o lola ninyo, so, masalimuot at mahabang proseso ang ito. Kailangan mo ng abogado.
Alvin Areglado
is a none in the Philippines
problema po kasi hindi pa nailipat sa pangalan ng lola ko yung titulo bago namatay parents ng lola ko panu po kaya yon atty.? salamat po sa reply Godbless
EMELITA GROSPE
is in the Philippines
Good day po atty. Bimbi Hihingi po sana ako ng payo tungkol sa aking problema sa tinatayuan ng aming bahay. Nalipat po kami dito sa Nueva ecija dahil sa napalayas kami sa aming dating tirahan sa Tarlac. 27 years kami duon sa dati naming tirahan pero dahil sa kasakiman ng aking amain napapirma nya ang aking ama na maisangla ang lupa at bahay namin sa bangko na kalaunan ay nailit na. Wala akong ganun kalaking halaga para tubusin ang pagkakasangla kaya ang nangyari nawalan kami ng bahay at nalipat dito sa Nueva ecija sa lupain ng lolo ko sa mother side. Noong nabbuhay pa ang lolo ko binigyan kami ng pwesto na tayuan ng bahay at isang pitak na sasakahin pero ng mamatay ang lolo ko binawi sa amin ang lupang sakahin ng aking amain. Anak lamang kasi sa iba ng aking lola ang aking ina kaya half sister lang nila ang nanay ko. Wala kaming nagawa kundi umiyak sa isang sulok. Pagkatapos nuon pinagbabayad kami ng amilyar sa lupa dahil agricultural land daw ito at hindi pa converted sa residential land. Noong una ayoko magbayad kasi kinuha na nga nila ang sinasaka namin silang lahat merong sinasaka ako lang at isa ko pang pinsan ang wala pero pare pareho ang hatian sa pagbabayad sa amilyar. Nang mamatay ang nanay ko para wala na lang gulo nagbabayad ako ng amilyar 500 kada taon. Pero nitong year 2015 at 2016 hindi po ako nakapagbigay dahil sa kagipitan sa pera nagkasunod sunod ang lugi namin sa gulay sa sinasaka ng asawa ko. Ngayon po ng nagkaroon kami ng pagpupulong pulong sinabi nilang may dapat bayarang penalties na hindi daw nabayaran ng mga nakaraang taon tig 2k daw kami kaso po wala pa akong pera. Kaya hindi ko naibigay kaagad. Sa nangyaring ito lumaki ng lumaki ang babayaran ko dahil nagtaas na rin daw ang bayarin nila sa buwis ng lupa kaya naging 1 k bawat taon na ang amilyar na babayaran namin at ang bayarin ko na daw ay 5 k. hanggang october. Sabi nila kapag daw hindi ko nabayaran ito maaari nila akong paalisin sa aking bahay dahil sakop ng titulo ang bahay na ito. At wala daw akong magagawa kapag ginusto nila. Napakasakit po na mauulit na naman ang nangyari sa amin noon. Ganun po ba talaga yun. Kung ano na lang ang sabihin nila kailangang sumunod ako dahil sila ang me hawak ng titulo? Ang tinitirikan po ba ng bahay namin na dating daluyan ng tubig ay sakop pa rin ng amilyar? Wala po bang karapatan ang aking ina komo walang kasulatan nilagdaan ang mga lolo ko noong namatay dahil anak lang siya sa pagkadalaga ng lola ko? Ginagamit naman po kasi ng nanay ko ang apelyido ng lolo ko kahit noong magpakasal sila ng tatay ko kumbaga legally adopted siya pero ang nangyayari ngayon parang wala akong magagawa kung paalisin man nila ako sa aming bahay. Sana po mabigyan nyo ko ng kaliwanagan sa aking mga katanungan. Maraming salamat po
Adelaimar C Arias-Jose
is a Legal expert in the Philippines
Emelita, kailangan mo ng abogado.
Masalimuot ang iyong kuwento.
Sa tingin ko lang, hinuhuthutan ka ng pera, dahil sa napaka-laki naman ng amelyar na iyan, kasing laki ba ng probinsiya ng Nueva Ecija ang lupain ninyo? Hindi naman, siguro. So, hindi dapat ganoon kalaki ang babayaran ninyo.
Ang pinaka-maganda niyan, pumunta ka sa assessor's office at tignan mo kung magkano nga ang dapat bayaran, baka magulat ka na napakaliit lamang, o kaya naman, magulat ka dahil sa ang lahat pala ng inyong ibinabayad ay hindi naman ibinabayad sa assessor ng inyong mga kamag-anak.

About the author

Adelaimar C Arias-Jose

I am a graduate of the UP College of Law. Member of the Integrated Bar of the Philippines since 1995. I am currently involved in private practice in criminal, civil and labor law.
Profession: Lawyer
Adelaimar C. Arias-Jose
Office Address: #34 St. Michael Street
Philippines , Manila , Makati
The medical information contained in this section is not intended for treatment or prescription. It is used to complement, not replace, the communication between a patient and their physician. Reliance on any information provided by BuhayOFW or any medical experts is solely at your own risk. If you have a medical emergency, call your doctor or go to the hospital immediately. BuhayOFW's Medical Review Board is a team of board-certified doctors who ensure our content is medically accurate and reflects the latest in health information. Our experienced board of medical professionals verify that our content is thorough and all-inclusive, in order that you can trust the information you read here will help you through improvements in your health journey—whether that’s for yourself or for a loved one.

Disclaimer: The materials available in the Buhay OFW web site are for informational purposes and not for the purpose of providing legal advice. You should contact your attorney to obtain advice with respect to any particular issue or problem. Use of and access to this Web site or any of the e-mail links contained within the site do not create an attorney-client relationship between Buhay OFW and the user or browser.

If you are a legal expert who would like to help answer questions, please register here.