Pinaka-masarap na posisyon: Nakaangat na paa

Medical Team
is a Medical expert in United States

Ayaw nating tumanda, hangga’t maaari. Gusto nating makapiling ang mahal sa buhay, hangga’t kaya pa ng katawan. May mga simpleng Teknik ba para tumibay ang ating resistensya?

Ang pag-angat ng paa sa pader, upuan, headboard ng kama o kahit saan na pwedeng patungan ng paa, ay isang posisyon na nakakapagbigay ng maraming benepisyo. Halimbawa, sa pagtaas ng paa, dumadaloy ang dugo mula sa paa papunta sa puso at ulo, at nakakaginhawa. Pwede niyong sabay gawin ng iyong mahal.
 
Madali lang itong gawin, kaya’t pwede mong subukan at malaman kung may pagbabago ba sa iyong katawan. Masarap din itong gawin kapag ang hita o paa ay namamaga dahil sa init, matagal na pagkakaupo, matagal na laban kung ikaw ay manlalaro.
 
Iilan sa mga benepisyo ng pagtaas ng paa ay ang mga sumusunod:
- Nadederitso nito ang bandang likuran ng hita
- Nakakatulong sa pagtunaw ng pagkain
- Nakakatulong sa pagtulog
- Nakakabalanse ng blood pressure
- Nakakabawas ng pananakit ng likod
- Nababawasan ang pananakit ng ulo o migraine
- Nakakagdagdag ng enerhiya
- Nakakaginhawa ng paninikip ng likod
- Nakakaginhawa sa pulikat at pananakit ng paa at hita
- Nakakadaloy ng maayos ang white blood cells
- Nakakabawas ng barikos o varicose veins
- Pag-improve ng thyroid
- Gumaganda ang sirkulayon ng dugo
- Napapagaan ang nararamdamang lungkot
 
Paano ito gawin:
1.     Humiga ng diretso.
2.     Maglagay ng unan, tinuping kumot, o malambot na tela sa balakang.
3.     Humanap ng pwesto na sa tingin mo ay matibay o hindi gumagalaw, na kayang kaya ang bigat mo.
4.     Ilapit ang balakang sa pader o kung anumang patungan ng paa at ayusin ang pwesto kung saan komportable.
5.      Ideritso ang tuhod sa kung anong kaya mo. Kung sa tingin mo ay maayos na ang pwesto, maari maglagay ng unan o malambot na tela sa leeg at ulo.
6.     Manatili sa posisyon ng mga 20 minuto.
7.     Magpahinga ng ilang sandali at dahan-dahang umupo o tumayo upang hindi mahilo.
Paalala:
Maaari makaramdam ng pamamanhind sa hita at paa o makaramdam ng pangangalay lalo na kung nakataas ito ng matagal. Kapag nangyari, dahan-dahan ibaluktot ang tuhod hanggang sa dibdib bago umupo o tumayo. Maari ding igalaw-galaw ang mga paa upang mawala ang pamamanhid.
 
Iwasang bumaliktad o itaas ng sobra ang mga paa kung nagaalala na baka maipon sa ulo ang dugo. O di kaya ay may kondisyon gaya ng glaucoma, mataas ang dugo, o luslos.
 
Ayon sa mga eskwelahan ng yoga, iwasang itaas ang paa kapag may buwanang dalaw, lalo na kung malakas ang regla.
 
Ang posisyong pagangat ng paa ay nakakatulong pasiglahin ang iyong araw o marelax ang sarili galing sa maghapong trabaho.
 

About the author

Medical Team

Our medical team verify the medical accuracy of the articles you read on our site. U.S. trained General Practice Family Doctor. Has additional qualifications in ultrasound, emergency medicine, and traumatology.
Profession: Family Medicine
Private practice
United States , California , San Francisco

 

Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)
The medical information contained in this section is not intended for treatment or prescription. It is used to complement, not replace, the communication between a patient and their physician. Reliance on any information provided by BuhayOFW or any medical experts is solely at your own risk. If you have a medical emergency, call your doctor or go to the hospital immediately. BuhayOFW's Medical Review Board is a team of board-certified doctors who ensure our content is medically accurate and reflects the latest in health information. Our experienced board of medical professionals verify that our content is thorough and all-inclusive, in order that you can trust the information you read here will help you through improvements in your health journey—whether that’s for yourself or for a loved one.