Pinaka Safe na sex?

anonymous
This person has chosen to hide his/her identity. Medical History

Ano po ba pinaka safe na paraan except gumamit ng pills, para di mabuntis partner? yung 100% or kahit yung higher na lang po.

The medical information contained in this section is not intended for treatment or prescription. It is used to complement, not replace, the communication between a patient and their physician. Reliance on any information provided by BuhayOFW or any medical experts is solely at your own risk. If you have a medical emergency, call your doctor or go to the hospital immediately.

 

 

Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)
Mary Josephine Amit
is a Reproductive Health Nurse in the Philippines
Walang 100% na paraan maliban sa di kayo magtalik. Maaring gumamit ang iyong partner ng injectable o tinatawag din na DMPA ito ay epektibo ng tatlong buwan. Sa unang 7 araw ng pagkainject sakanya ay di pa maaring makipagtalik dahil kailangan pa magadjust ng katawan niya. Maaring magpainject sa araw na may regla siya kung hindi naman ay 3 weeks pagkatapos ng huling talik magpregnancy test siya kung negative pwede na siya magpainject.
Dr. Alfredo Chua
is a Medical expert in the Philippines
Ang pinakamainam o 100% na paraan para hindi mabuntis ang iyong partner ay hindi pagtatalik. Susunod na pinakamainam na mga paraan (pero hindi pa rin 100% sure) ay ang mga sterilization surgical techniques katulad ng ligation (para sa babae) o vasectomy (para sa lalaki). Maraming paraan ang contraception - may mga natural at artificial. Magandang magpatingin kayong dalawa ng partner mo sa isang doktor para masabihan kung anong paraan ang pinakamainam sa inyo.

About the author

Dr. Alfredo Chua

Reading books, playing the piano, watching TV and movies, collecting coins and stamps
Profession: Internal Medicine
Philippine General Hospital
Philippines , Manila , Manila