Pisces Horoscope 2018: Kapalaran na naghihintay sa 2018

Jerry Cua
is a Marketing Specialist in the Philippines

Pisces Horoscope 2018: Ano ang kapalaran na naghihintay sa 2018, sa buhay pag-ibig, karera, at sa estadong pinansyal?

Pisces

Puno ng pag-asa ang taong 2018 para sa mga Pisces. Subalit kailangang magdoble-kayod upang maisakatapuran ang iyong matagal nang pinapangarap. Ang pagiging wais sa paghawak ng pera ang magiging susi sa iyo upang maging matibay ang iyong estadong pinansyal.
Ikaw ay magiging abala upang magkaroon ng magandang plano para mapaunlad ang iyong sarili. Subalit wala ka ring ideya papaano maisasakatuparan ang mga ito. Marahil makukuha mo ang mga ideya sa malalapit mong mga kaibigan at mga kamag-anak dahil magiging maganda ang iyong imahen para sa kanila. Kaaya-aya din ang oportunidad na darating sa iyo upang magkaroon ng panibagong pagkakakitaan. Subalit kailangan mong maging wais upang maging maganda ang pagpasok sa iyo ng pera. May malaking posibilidad na ang pagpasok ng malaking pera ay magmumula sa iyong mana.
Ang isyu hinggil sa anumang relasyon ay maaaring magbigay sa iyo ng sakit ng ulo. Huwag ito maging alalahanin at panatilihin ang lamig ng iyong ulo. Para naman sa mga nagtatrabaho, magiging maayos naman ang taong 2018 para sa kanila. May pag-unlad din na nakikita sa iyong mga palad. Maganda rin ang taong 2018 para sa sinumang mapabuti ang kanilang trabaho. Samantala, ang mga negosyanteng Pisces naman ay pinapaalalahanan na iwasan ang anumang pagtataya para sa iyong negosyo.

Buhay Pag-ibig
Ang mga Pisces na may-asawa ay magiging mabuti ang taong 2018 para sa kanila. Asahan din ang samu’t saring mga emosyon sa taong ding ito. Nariyan na ang paminsan-minsan na hindi pagkakasundo na siyang magiging dahilan upang magkaroon ng lamat ng inyong relasyon. Iwasan ito hanggat sa maaari. Habaan ninyo ang inyong pasesnya at huwag maging padalos-dalos sa inyong mga desisyon. Triplehin ang pag-iingat ninyong mag-asawa pagdating sa hulng bahagi ng Hunyo hanggang sa Setyembre dahil hindi maganda ang pagposisyon ng iyong mga planeta at mga bituin. Muli, kailangan mong magpasensya, umitindi, at iwasan ang mga bagay na ikakainit ng ulo ng iyong kapareha.
Para naman sa mga single na Pisces, ang huling bahagi ng buwan ng Pebrero at kalagitnaan ng Hunyo ay magiging suwerte sa inyo. Magandang panahon ito para maghanap ng kanilang magiging kapareha. Sulitin ang magandang panahong ito para sa inyo.

Buhay Karera
Magiging mabuti ang kalalagyan ng mga propesyunal at nagtatrabaho na mga Pisces sa taong 2018. Subalit, asahan ang hirap ng pagtatrabaho sa unang bahagi ng taong 2018 hanggang sa buwan ng Marso.
Pagkatapos ng buwan ng Marso, asahan naman ang darating na mga komplikadong gawain. Kailangan nilang hasain muli ang kanilang mga abilidad at mga kakayahanan dahil ito lamang magiging susi upang matagumpayan ang mga ito. Maaari itong magandang oportunidad, subalit magdadala din ito ng sakit ng ulo. Kaya iwasan ang pagkasubsob sa trabaho upang hindi magkaroon ng sakit.
Ikaw ay mananatiling abala at tila naghahabol ng oras dahil oras ang magiging kalaban mo sa taong 2018. Ikaw ay makakaramdam ng inis at sakit ng ulo kapag ang mga bagay ay hindi umaayon sa iyo. Hayaan lamang itong lumipas at gawin itong hamon upang matapos lahat ang iyong mga gawain. Muli, pinapaalalahanan na huwag kalimutan magpahinga upang hindi magkasakit at handa pang lumaban sa susunod na mga araw.

Buhay Pinansyal
Pinapaalalahan ka ng iyong mga planeta at mga bituin na kailangan mong maging wais sa paghawak ng pera. Hanggat maaari ay iwasan ang anumang aktibidades kagaya ng pagbili ng mga ari-arian o hindi kaya ay ang paglagak ng iyong ipon sa pamumuhunan. Nakikita sa iyong mga palad ang pagkakaroon ng mana. Subalit hindi lahat ng Pisces ay magkakaroon ng mana dahil nakadepende pa rin ito sa sitwasyon at petsa ng kapanganakan.

About the author

Jerry Cua

Since I was a kid, I have fascination in reading astrology materials. I am also became a resource person in my circle of friends if they want to know if their love interest is compatible to them or not.
Profession: Marketing Specialist
Philippines , Metro Manila , Quezon City

 

Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)

Disclaimer: The materials on the Buhay OFW Website are for general information purposes only and should not be construed as religious advice, spiritual advice, opinion or any other advice on any specific facts or circumstances. Readers should not act or refrain from acting upon this information without seeking professional advice. Transmission of information on or by use of this Website is not intended to create, and receipt does not constitute, a client relationship between the sender and receiver. Photographs and other graphics used on this website may be for dramatization purposes only, and may include models or stock photos. Likenesses do not necessarily imply current client, membership, partnership or employee status.