Posible po bang buntis ako? Kahit nagka menstruation after a week we did it po?

anonymous
This person has chosen to hide his/her identity. Medical History

Originally po Irregular po ang menstruation ko. Dati po 3 months ako di nagkakaroon, worst po is 5 months. 
Pero last year po naging regular siya. Every month na po ako nagkakaroon pero di po fix ng date. Ang question ko po is if pwede ako mabuntis if I had an unprotected sex (this was February 3) we did the withdrawal process then I had menstruation po a week after(February 12) and normal naman po menstruation ko. Pero after nun hindi na po ako nagkaroon ulit until now. Ang kinakatakot ko po is nakaramdam po ako ng mga senyales tulad ng pagiging antukin, pagtigas ng puson, pagtaba, madalas na pag ihi at hirap sa pag dumi. Please po sana masagot niyo yung tanong ko po. Thank you! 

The medical information contained in this section is not intended for treatment or prescription. It is used to complement, not replace, the communication between a patient and their physician. Reliance on any information provided by BuhayOFW or any medical experts is solely at your own risk. If you have a medical emergency, call your doctor or go to the hospital immediately.

 

 

Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)
Dr. Jen Cruz
is a Medical expert in United States
Ang general rule ay kung may regular period ka, hindi ka buntis. Ang normal na menstrual period ay nasa humigit kumulang tamang petsa, nasa pangkaraniwan na daloy, at nagtatagal ng mga 3-5 days.

May mga buntis na nagkaka-vaginal bleeding, lalo na sa mga bagong buntis pa lamang. Ngunit hindi ito katulad ng regular mensturation, dahil mas maliwanag ang kulay (lighter color) ng regla at irregular, parang spotting (or post implantation bleeding).

Madaming dahilan kung bakit nade-delay ang mensturation, tulad ng stress, pagbabago ng oras tulog at gising, weight issues (malaki na tinaas o binaba ng timbang), paginom ng gamot, sakit, sobrang pagehersisyo, at iba pa.

Upang makasiguro, pinakamaganda ay magpa-pregnancy test. Mayroong mga over the counter pregnancy test kits sa pharmacy, o pumunta kaagad sa pinakamalapit na OB Gyne upang mag-pregnancy test at para sa mas komprehensibong consultasyon. Ano man ang mangyari, sana ay mabuti ang iyong kalagayan. Kapag buntis ka, tatanggapin mo kasi blessing yan ng Diyos. Magdasal at kausapin ang iyong partner o mga mahal mo sa buhay. Maaayos din ang lahat.

About the author

Dr. Jen Cruz

U.S. trained General Practice Family Doctor. Has additional qualifications in ultrasound, emergency medicine, and traumatology.
Profession: Family Medicine
Private practice
United States , California , San Francisco