Posible po kayang buntis po ako?

anonymous
This person has chosen to hide his/her identity. Medical History

Buntis po ba ako? June pa po ang last mens ko till now magnonovember wala wala pa din po, July 26 po sana ang menstruation ko pero hindi po dumating, September 6 nagpt po ako at negative, hinayaan ko na po siya dahil akala ko po delayed lang pero may kakaiba pong pakiramdam sa puson ko ngayon bumigat siya at mahirap po kapag yumuyuko o naiipit siya ay masakit, kapag nagugutom ako may iba akong nararamdaman  sa puson ko at nahihilo po ako, kapag nagbubuhat ako ng mabigat mahirap din po at parang nananakit siya kapag napipwersa pero nawawala naman po kapag nakakapahinga, pakiramdam ko po may gumagalaw sa puson ko, natatakot po ako kung kung baka may bukol na po ba ako, hindi ko din po kasi alam ang pakiramdam na buntis. Sana matulungan nyo po ako kung posible po kayang buntis ako? Nananakit din po ang puson ko kapag sobrang emosyonal po ako. Ano po kaya ito? Maraming salamat po sa inyong kasagutan

The medical information contained in this section is not intended for treatment or prescription. It is used to complement, not replace, the communication between a patient and their physician. Reliance on any information provided by BuhayOFW or any medical experts is solely at your own risk. If you have a medical emergency, call your doctor or go to the hospital immediately.

 

 

Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)
Dolly April Plaza
is a Nurse in the Philippines
Ikaw ba ay sexually active? Maaaring magsagawa ng pregnancy test 2-3 weeks matapos ang huling pagtatalik upang makumpirma kung ikaw ba ay buntis o hindi. Sa iyong edad, maaari rin na nag-aadjust pa ang iyong reproductive system sa cycle ng iyong regla. Minsan sa mga teenagers ay nag-iiba pa o iregular pa ang regla. Maaari rin na ito ay hormonal imbalance at kakailanganin na magpasuri ng personal sa iyong OB Gyne upang malaman kung ano ang nagdudulot ng hindi pagdating nito sa loob nbg ilang buwan.
1 person likes this
anonymous
This person has chosen to hide his/her identity. Medical History
Ako po ay nagpahilot, at sabi ako po ay may kabuhi at masakit po ang kaliwa at kanan kong puson ang sabi niya po ay namamaga ang aking cordon, dahil naiipit daw po at mababa ang aking matris, sabi din po niya magkakaroon na ako pagkatapos ko pong magpahilot ngunit dalawang araw na po ang nakakalipas at wala pa din po, nung last na hinilot niya po ako may mga discharge po ako na brown pero hindi po siya blood. Nararamdaman ko din po ayun pong sinabi niyang namamaga ayun po yung sumasakit kapag ako po ay nakaupo ng matagal, lalo na sa kaliwang puson ko po,. Nagpt po ako pero negative po ang lumabas. Balak po naming magpacheck up ngayong linggo at natatakot po ako at baka kailangan ng malakihang gastos para dito.