Posisble po bang buntis ako o mabuntis ako? Paano po ba maiwasang mabuntis sa ganitong sitwasyon?

anonymous
This person has chosen to hide his/her identity. Medical History

Umiinom po kasi ako ng pills pero nung nasa kalagitaan ng ng pills ay hininto ko na ang pag inom, limang araw na ang nakalipas nung huli akong uminom ng pills ay hindi pa rin ako dinadatnan at nag intercourse po kami nung partner ko. Ano po ba yung rason kung bakit anim na araw na akong huminto ng pills pero hindi pa rin ako dinadatnan ng menstruation? Posible po bang mabuntis ako? Nung ng intercourse kami? Paano po maiiwasang mabuntis kahit ganon? I need your help asap. 

 

Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)
Dr. Leo Montalvo
is a Medical expert in
Maaring hindi pa nasa stage kung saan dapat kang magregla. Maghintay po kayo ng 1 month para makabalik ang regular na menstruation. Sa oras po kasi na ihinto ninyo ang paginom ng pills, hindi ka na makakasigurado kung nandun pa ang proteksyon na binibigay nito. Ibig sabihin ay anytime maari siyang mabuntis kung may sexual contact na mangyari. Ang mainam na gawin ay gumamit ng ibang methods ng contraceptive. Kung nahihirapan sa pills maaring ikonsidera ang Injectables, implant or IUD. Ang mga ito ay temporary at maaring baguhin anytime na nagising mag buntis.

The medical information contained in this section is not intended for treatment or prescription. It is used to complement, not replace, the communication between a patient and their physician. Reliance on any information provided by BuhayOFW or any medical experts is solely at your own risk. If you have a medical emergency, call your doctor or go to the hospital immediately.